Harieth Zarie Fedencio POV "Halika na habang nakakapagtimpi pa ako sa iyo," Napasigaw ako nang pangkuin niya ako. Nagpupumiglas ako pero lalo siyang nagalit. Matalim na titig ang iginagawad niya sa akin. Nagtatangis ang mga bagang at kunot na kunot ang noo niya. "H'wag mong ubusin ang pasensya ko, Zarie." Mariin niyang sabi. Napakagat ako ng labi, na pahikbi at muling tumulo ang mga luha ko. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Napabuntong-hininga siya bago maglakad. He called me, Zarie. Hindi ko alam pero lalong sumama ang loob ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Ano bang problema doon? Pangalan ko naman 'yon di ba? Lalo akong naiyak sa kaisipang, Zarie na lang ang itatawag niya sa akin. Ubos na daw ang pasensya niya sa akin. Edi kung ganoon! Hayaan na lang niya kami. Wala

