Napalingon ako sa likuran ko nang makitang nakangiti si Nanay Adela. Gusto kong makita kung sino ba ‘tong Apo niya at maswerte siya dahil may Nanay siyang kagaya ni Nanay Adela. Napaawang ang bibig ko nang makitang si Bryan iyon. “B-bryan?” hindi makapaniwalang tugon ko. Napahinto rin siya sa paglalakad nang makita ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Sinundan ko siya ng tingin habang palapit kay Nanay Adela. Niyakap niya ito habang ako ay hindi pa rin makapaniwala. “Magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Nanay. Tumango lang ako habang si Bryan naman ay umupo sa tabi ni Nanay. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya at halatang gulat siya sa nakita niya. “Bibili sana ako ng pagkain kanina, kaso lang nakita ko si Nanay. Hindi binigay ang order niya kasi nawala yata ‘yung resi

