"Wake up sleepy head!"
Nagising ako sa mahinang tapik ni Jacob sa balikat ko.
"Hmm," I hummed half asleep.
"Gumising ka na, anong oras na oh? Hindi ka ba papasok?" he asked and wrapped his arms around, behind me.
I replied, "I'm still sleepy Jacob. Bukas na lang." I lazily face him and smiled after seeing his face.
I could feel his breath that made me pout my lips. Hindi ako makapaniwalang ang suwerte ko na nakilala ko siya. He gave meaning to my life when I was about to quit.
He kissed me in the forehead instead.
"Nagluto na ako ng breakfast mo. Kain na tayo," malambing na bulong niya.
Maliit lang kasi 'tong apartment na nakuha ni Jacob kasi ito lang 'yung kaya niya. Pagkapasok ay sala at kusina na kaagad. May maliit na Cr at maliit na kuwarto. Okay naman ako dito kaysa sa Mansion na palagi na lang nakakulong at napapagalitan.
Halos wala akong magawang maayos sa mansion dahil lahat ng kilos ko ay bantay sarado. Ni hindi ko magawa mga bagay na gusto ko.
Umiling ako at nginitian lang siya. Agad naman siyang tumayo kaya agad akong ngumuso.
Inangat ko ang kamay ko para buhatin niya ako.
"Ang tamad naman nitong prinsesa ko. Halika na nga rito." He smiled smirking at me and finally took me out of the bed and carried me all the way to the table where food is already up.
"Wow, fried rice!" I amazingly exclaimed.
Agad niya akong binaba sa upuan at agad naman siyang kumuha ng tubig at nilagay baso ko. I feel so happy deep inside of me. How can this good looking man melt my heart by this things that he's doing? Pinagsisilbihan ako ng lalaking mahal na mahal ko.
"Kumain ka nito," he seriously put some fried rice and egg into my plate.
I feel like I was a child and he was an adult serving food in front of me. Napangiti ako.
"I love you," I mumbled as I was staring at him while he was busy serving on my plate.
"Mahal din kita pero kumain ka muna," natatawang sagot nito at saka umupo sa tapat ko.
"Can I go with you?" tanong ko nang magsimula na kaming kumain.
Napahinto siya sa pagnguya at tumingin sa akin saglit bago ibinalik ang atensyon niya sa pagkain.
"No, hindi pwede. Work is work Brylle," he seriously answered and continued his food.
"Dito ka na lang at mag-aral ka. That way, I'll be happy enough for the both of us."
Nagpatuloy siya sa pagkain at tumango lang ako. I've always wanted to come with him at his work but he never let me. Curious lang naman ako sa work niya eh. I wanted to meet his friends and workmates. Parang he never show his friends to me. Hindi rin naman kasi niya nababanggit.
"Okay," ngumuso ako at nagpatuloy rin sa pagkain. Ayoko nang kulitin pa siya. Ayokong magalit sa akin si Jacob kaya hindi na ako nagpumilit.
--
Nanood lang kami ng Netflix buong umaga at nagpadeliver na lang kami ng pagkain para sa tanghalian. May pasok ako ngayon pero hindi muna ako pumasok. Si Tessa naman ay hindi ko matawagan dahil baka mamaya ay kasama na naman iyon ng guard or ni Daddy. Mamaya ay mahuli pa kami kaya hinihintay ko na lang na siya ang mag text or tumawag.
Ayoko namang malaman nila kung saan ako tumitira. Ayoko ring mapahamak si Jacob. Mahal na mahal ko 'yung taong 'yun kaya hindi ko gugustuhin na mapahamak siya.
Nakahiga lang kami ngayon sa maliit na sofa nanonood ng Netflix. Tinatamad talaga akong pumasok pero pipilitin ko na pumasok bukas.
"Okay ka lang ba talaga?" Tumayo ako mula sa sofa kung saan kami nakahiga dahil inuubo na naman si Jacob.
Agad akong kumuha ng tubig at agad naman niyang inayos ang sarili niya saka umupo.
"Okay lang ako, pagod lang 'to. Matutulog lang ako, mawawala na'to mamaya."
Matapos niyang inumin ang tubig ay agad kong binalik iyon sa lababo.
"H'wag ka na muna kayang pumasok mamaya?" nag-aalalang tanong ko.
Agad naman niya akong hinatak papunta sa kaniya kaya't napaupo ako sa hita niya.
"Okay lang ako," mabilis na sagot niya at agad naman niya akong niyakap mula sa likuran ko.
Agad ko namang pinulupot ang kamay ko sa leeg niya at tinaniman ng maraming halik sa pisngi. Agad naman siyang ngumiti at kiniliti ako sa tagiliran.
"Nakikiliti ako, Jacob ano ba!" Halos hindi ko mabigkas ang salitang iyon dahil sa tindi ng kiliti ko sa tagiliran.
Natigilan kami nang tumunog ang cellphone niya sa tapat namin sa may center table.
"Hindi mo ba sasagutin yan?" tanong ko nang titigan lang niya ito.
"Bebe time," tinitigan niya ako na parang bata.
Hindi ko alam pero kinikilig ako sa mokong na 'to. Kaya mahal na mahal ko 'to eh. Alam kong priority niya ako. Buti pa siya ako ang inuuna, hindi kagaya nila Mommy at Daddy na puro na lang si kuya. Kahit wala naman akong kasalanan sa aksidente parang kasalanan ko pa.
Kaya hindi ko maiwasang mapaisip eh. Anak ba talaga nila ako?
"Hmm, ikaw talaga!" Pinisil ko ang ilong nito at umupo ulit sa tabi niya.
"Mag ml na lang tayo?" paanyaya ko sa kaniya.
"Sus, Angela na naman gagamitin mo!" He smirked and teased me.
"Ayaw mo noon? Support mo ako. Mas malakas ka kapag andito ako!" Kinindatan ko siya at nilagay ang dalawang kamay sa pisngi saka nag pa-cute sa sa harapan niya.
Agad naman niyang ginulo ang buhok ko.
"Oo na, sige na mag open ka na. Galingan mo mag support ha!” sabi nito at hinalikan ako sa noo.
Hindi ko alam pero tuwing ginugulo niya ang buhok ko, natutuwa ako. Nakakagaan sa loob.
Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi saka kinuha ang phone ko at binuksan ang mobile legends.
"Bakit ka sumunod? Prinotektahan na nga kita para hindi ka mamatay eh!" Inis na sabi ko.
Paano ba naman kasi, support niya ako pero parang siya naging support. Napaka protective! Wala naman akong damage pero ako pa ‘yung prinotektahan niya. Patay tuloy kami parehas.
"Eh mamatay ka eh," sagot nito na parehas kaming abala sa cellphone.
“Oo nga e, tignan mo namatay tayo pareho.” Ngumuso ako.
"Uy! Bilis! Ayun oh sa bush puntahan mo mamatay na," natatarantang saad ko sa kaniya dahil nakasanib ang angela ko sa Lancelot na gamit niya.
"Anak ng patola naman oh! May tumawag pa!" Inis na sambit niya nang may tumawag sa kaniya.
Halatang inis na inis siya dahil kaunti na lang ang buhay noong kalaban may tumawag pa. Namatay tuloy siya sa tore.
"Sabi sa 'yo sagutin mo na eh, baka importante," sabi ko sa kaniya na nakatuon pa rin sa cellphone ang mga mata ko.
"Sa trabaho lang 'to, ayoko naman pagsabayin ang trabaho at ang oras ko sa iyo," paliwanag niya. Bakas pa rin sa mukha niya ang inis.
"Kahit na, paano kung emergency? Laro lang naman ‘to at puwede naman nating mabawi pag natalo. Paano pag natanggal ka diyan sa trabaho mo?" tanong ko sa kaniya na pinasadahan ko saglit ng tingin bago ibalik ang mga mata ko sa cellphone.
"Ah basta, mamaya pa naman ang trabaho ko."
Napansin kong pintay niya ang tawag at agad na bumalik sa laro.
"Nako, Jacob ha? Umayos ka baka magalit sa iyo iyang boss mo." I was trying to let him realize that.
Paano na lang kapag nawalan siya ng trabaho dahil sa akin? Hindi ko naman gugustuhin 'yun. Siya na nga namomroblema lahat ng gastusin mawawalan pa siya ng trabaho?
"Oh tignan mo, tumatawag na naman. Sige na sagutin mo na, game lang naman 'to mas importante iyang work mo,” panghihikayat ko sa kaniya. Hindi naman siguro tatawag ng ganiyan ka dami ang boss niya kung hindi importente.
Nginitian ko siya at tinanguan kaya't agad naman siyang sumunod sa sinabi ko. Tumayo siya at lumayo para mas marinig niya ang kausap niya. Medyo kulob kasi at wala gaanong signal sa Globe kaya kailangan pang lumabas minsan.
Matapos ang laro ay napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa sobrang inis sa kakampi.
"Talo na naman, lose streak na yata ako."
Napabuntong hininga na lang ako at isinubsob ang mukha sa unan sa may sofa.
"Oh, natalo?" tanong ni Jacob na kasaluyang inaayos ang kaniyang bag.
Nag angat ako ng tingin. Ngumuso at tumango.
"Okay lang 'yan," nilapitan niya ako at ginulo ang buhok saka isunuot ang jacket niya.
“Babawiin natin iyan okay? Ako bahala sa iyo.”
"Saan ang punta mo?" tanong ko habang pinagmamasdan lang siyang nagmamadaling mag ayos ng mga gamit niya. Isa isa niyang nilagay ang gamit niya sa bag niyang palagi niyang bitbit.
"Pinapatawag ako ni boss," maiksing sagot niya at umubo pa.
"Sigurado ka bang okay ka lang? Akala ko ba matutulog ka muna bago papasok?" tanong ko muli.
Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang sapatos saka isinuot ito.
"Wala eh, kailangan. Lock the doors okay? 'Wag kang magpapapasok hanggang hindi sumasagot kung sino ang nasa labas okay? Magpadeliver ka na lang mamayang hapunan kung wala pa ako."
"Anong oras k aba uuwi?"
"I still don't know maybe twelve midnight? I don't know. Basta ha, ‘yung mga bilin ko sa ‘yo." ulit niya saka tinitigan ako nang matapos na siyang magsuot ng sapatos.
"Yung mga bilin ko," ulit niyang muli.
Tumango naman ako at biglang nalungkot. Ito ang unang araw na maiiwan akong mag-isa dito sa apartment. Ano naman kayang gagawin ko dito? Hindi rin naman ako makaklabas para kitain si Tessa kasi mamaya makita ako ni Daddy.
"Please be back soon," with all the sadness in my heart, I told him.