“Brielle!” nakangiting tawag ni Bryan sa akin. Nginitian ko lang siya habang abala ako sa pag aasikaso ng mga namimili. Hapon na kasi kaya madami na ang namimili. Gusto ko na sana mag-out ng maaga dahil gusto ko na puntahan si Jacob. “Yna, ikaw muna ang bahala dito ah? Aakyat lang ako,” paalam ko sa kaniya. Para akong nanghihina na hindi ko maipaliwanag. Magkapabas ko ng banyo ay agad akong hinila ni Bryan. Hindi ko siya napansin na nandito na pala siya. Hindi ko din alam na nakasunod pala siya sa akin dahil wala ako sa sarili nitong mga nakaraang araw. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago yumuko. “Pagod lang ako,” mahinang sagot ko sa kaniya. “Ligpitin mo na ‘yung gamit mo. Iuuwi na kita,” sabi naman niya na agad akong nag angat ng t

