Krisha POV
"HAHABOL na lang ako hon "sabi ni Gio
"Siguraduhin mo Gio kung ayaw mong matulog sa labas ng bahay natin "mataray na sabi ko sa kanya
"Marami kasi akong ginagawa sa company hon pero hahabol ako "sabi nya
"Papasabugin ko yang kumpanya mo oras na hindi ka pumunta para malaman na natin kung anong gender ang anak natin "sabi ko
"Oo na hon amazona talaga "
"May sinasabi ka Gio "mataray na sabi ko sa kanya
"Wala sabi good bye na "sabi nya at hahalik sana sya ng iiwas ko yung mukha ko at pumasok sa loob
"HON! "sigaw na sabi nya
Hindi ko sya pinansin at tumuloy lang ako sa pagpasok sa loob at bumungad sa akin sila kuya habang yung mga bata nasa garden naglalaro
"Magdivorce na kayo kung ganyan lang kayo "sabi ni kuya Zander
"Inggit ka lang bro kasi yung kapatid mo may lovelife ikaw wala "sabi ni Jayvee
"F*ck you bro ! pasalamat ka nanjaan si Mia kung hindi sinapak na kita "sabi ni kuya Zander
"Hahahaha kailan kasi na may gusto pa sayo si gail doon mo pa inayawan yan tuloy ikaw na ang naghahabol "sabi ni Jayvee
"Wala kang pakielam bro "sabi ni kuya Zander
"Kung magtatalo kayo dito umalis na kayo nakakainit rin kayo ng ulo "sabi ko
"Tumigil na kayong dalawa parehas lang kayong walang lovelife "sabi ni Mia
"Amazona girlfrend kita diba "sabi ni Jayvee
"Noon yun ngayon hindi na break na tayo "sabi ni Mia
"Ano ka ngayon Jayvee "sabi ni kuya Zander
"Amazona joke lang yun diba "Tanong ni Jayvee
"Para parehas kayong magkaibigan "sabi ni Mia
"Ano bang ginagawa nyo dito ? "tanong ko
"Kaya kami nandito para nga samahan ka sa ob gyne mo para malaman na rin namin kung anong gender ang susunod na magiging pamangkin ko "sabi ni kuya Zander
"Kung yung mga gawain nyo yung niintindi nyo at hindi yung sasama pa kayo para lang malaman yung gender ng baby ko "sabi ko
"Krisha nakaleave kaming tatlo ngayon "sabi ni Mia
"Magbakasyon kayo "sabi ko
"Sayang pera "sabi ni Jayvee
"Ang kuripot mo Aso "sabi ni Mia
"Syempre naghahanda sa kasal nating dalawa "sabi ni Jayvee
"Ikaw naman kuya dapat pumunta ka sa state at doon mo suyuin si gail "sabi ko
"Bukas pa ako pupunta "sabi ni kuya Zander
"Tita Krisha may sasabihin po ako sayo "bungad na sabi ni Leila
"Ano yun Leila "tanong ko
"Tita Krisha ano pong pangalan nya "tanong ni Leila at tinuro si kuya Zander
"Why little girl "tanong ni kuya Zander
"Kasi tito Zander crush ka nya "bungad na sabi ni Jace kasama si Jasmine
"Oh , really "sabi ni kuya Zander
"Yes po ang pogi nyo po "sabi ni Leila
"Leila ! "tawag sa kanya ng kanyang ate
"Bakit ate Jasmine ikaw rin naman may crush kay kuya Jayvee "sabi ni Leila
"Hahahahaha , alam kong gwapo ako Jasmine pero nasa kanya na yung puso ko "sabi ni Jayvee at inakbayan si Mia
"Wala naman po akong balak na agawin ka po kay Ate Mia kuya Jayvee "sabi ni Jasmine
"Ang lakas kasi ng loob mo Jayvee "sabi ni Kuya Zander
"Jasmine wag ka na muna sumama sila kuya na lang ang sasama sa akin sa hospital "sabi ko
"Sige po ate "sabi ni Jasmine
"Tara na kuya "sabi ko at nauna na akong maglakad sa kanila habang hawak - hawak ko yung tyan ko na 5 months na
Sumakay na kami sa kotse ni kuya Zander at pumunta sa hospital
"Humiga ka na mrs han at malalaman nyo na kung anong gender ng anak mo "sabi ni
Sumunod naman ako at tinitignan ko yung monitor kung saan makikita mo ang pag-galaw ng bata sa sinapupunan mo
"Congratulation Mrs Han babae po ang anak nyo "masayang sabi ng doctor sa akin
"May babae na sa pamilya nyo krisha "sabi ni Mia
"Babae si krisha kaso ang kilos panglalaki "sabi ni Mia
"Manahimik ka nga Mia ikaw nga itong kilos lalaki sa ating dalawa "sabi ko
"Mas ikaw Krisha kahit tanungin pa natin si Mr Gomez "sabi ni Mia
"Umalis na nga kayong dalawa at wag kayong pupunta sa bahay "sabi ko
"Oo na kasi naman hindi pumunta ang asawa mo dito "natatawang sabi ni Mia
Speaking of humanda talaga sa akin ang lalaking yun hindi talaga pumunta dito
"Saan tayo pupunta ngayon krisha "tanong ni kuya Zander
"Sa company at may papasabungin akong companya "seryoso kong sagot kay kuya Zander
Narinig ko naman na tumawa si kuya Zander pero hindi ko iyon pinansin dahil kumulo na ako sa galit kay gio
"Good Afternoon Mam Krisha "bati sa akin pero hindi ko ito pinansin at sumakay ako ng elevetor
"Calm down krisha baka mapano pa yung anak mo "natatawang sabi ni Kuya Zander
"Sh*t up kuya ! "naiinis na sabi ko sa kanya
Tinaas naman nya ang kanyang kamay na akala mo sumusuko na .
Lumabas naman ako sa elevetor at bungad agad sa akin ang Secretary ni Gio
"Mam Krisha may kausap pa po si Sir "sabi ng secretary ni gio
"Wala akong pakielam umalis ka jaan sa dinadaanan ko kung ayaw mong papunta sa dulo ng building na ito "seryosong sabi ko
Mabilis naman syang umalis at ako naman ay binuksan yung pinto ng office ni gio at may kasama syang babae
"H-hon "nauutal na sabi nya sa akin
Hindi ko naman sya pinansin at tinignan yung babae na kausap nya , familiar yung mukha ng babae sa akin . saan ko ba sya nakita
"Babalik na lang ako dito bukas "sabi ng babae at tinignan ako
"Long time no see Zander "sabi ng babae kay kuya Zander at umalis na ito
"Who is she Gio "tanong ko sa kanya
"Isa sa mga indorser natin dito sa kumpanya "sagot ni Gio
"Ah "
"Bakit ka pala nandito hon "tanong nya
"Bakit ? kung pasabugin ko kaya ang kumpanya mo "sabi ko sa kanya
"I told you hon marami akong ginagawa ngayon kaya hindi ako nakapunta "sabi nya
"Mas uunahin mo pa ang mga meeting mo kesa sa malaman mo ang gender ng anak natin gio "
"Hindi naman sa ganoon hon "sabi nya at niyakap ako
"Lumayo ka sa akin "utos na sabi ko sa kanya
Mabilis naman nyang tinanggal yung pagkakayakap nya sa akin
"Pasabugin ko kaya yung kumpanya mo "sabi ko
"Pasabugin mo na krisha "sabi ni kuya Zander
"Bro wag ka ng sumali "sabi ni Gio
"Aalis na nga ako "sabi ni kuya Zander at lumabas na ng office ni Gio
"Sagutin mo yung tanong ko Gio "sabi ko
"Wala ka namang tinatanong sa akin Hon "sabi nya
Sa sobrang inis ko sa kanya binato ko sya ng unan at mabilis naman syang umiilag
"Ginag*go mo ba ako ah ! Gio ! "sigaw na sabi sa kanya
"Hindi hon sorry na kasi sabi ko naman sayo maraming tinatrabaho dito sa companya "sabi nya
"Wag na wag kang uuwi sa bahay gio dahil babarilin kita "sabi ko at lumabas na ako ng office
"HON ! HON !"tawag nya pero hindi ko naman sya pinansin at sumakay na ako ng taxi at umuwi sa bahay .
"Wag na wag ka talagang uuwi gio !"