“DOK, saan ka pupunta?” Napalingon ako sa hamba ng stock room. Kung saan nakalagay ang medical supplies namin. Naroon si Erin na nagtatanong ang mga mata. Mula sakin ay bumagsak ang mata niya sa hawak ko'ng ibat-ibang klase ng gamot. May vials, injection et.al. “Para saan po 'yan, Dok? Wala naman tayong consultation ngayon.” Pagpansin niya sa mga hawak ko. Mabilis ko'ng inilagay ang mga bagay na hawak sa bag pack at zinipper ito. Sinigurado ko'ng hindi mababasag ang mga vials. Nilapitan ko siya at hinawakan sa dalawang balikat. “Erin, maiwan ko muna kayo rito ni Piyang. Kayo muna ang bahala sa lahat. Kapag may emergency, tawagan niyo lang ako at dadating naman ako kaagad.” “Saan po ba talaga ang punta mo, dok?” “B-Basta, kapag nagtanong si Piyang, pakisabi may importante akong pi

