MAINGAY na pagtakbo ng kabayo ang nakapagpabalik sa ulirat ko. Pagmulat ko ay hapong mukha ni Dylux ang bumungad sakin. Pinaghalong pawis at basa ng ulan ang pumupuno sa mukha niya habang deretso ang tingin sa daan. Seryoso at matigas. Nakasandal ako sa dibdib niya. The heavy rain is over and the sky is calm already. Nakasilip na ang buwan na sumasalamin sa mukha ng lalaking tinitingnan ko ngayon. “A-anong nangyari?” Mahinang tanong ko na agad namang nakuha ang atensyon nito. I can't remember everything. Nawalan ako ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari pagkatapos no'n. Hindi ko nga alam kung bumalik pa ba si Tonton tulad ng sinabi nito sakin. But one thing is for sure, I heard Dylux shouted my name before I fainted. “Don't speak. You have to regain your energy.”

