KABANATA 4

3069 Words
“ISARA mo nang maayos, Piyang. Baka manakawan tayo ng mga gamit sa loob,” utos ko sa kanya na kasalukuyang isinasara ang grills. “Aye, aye, madam,” masunuring saad ni Piyang bago ako tinapunan ng sulyap na may pagtataka. “Bakit ba nakabusangot 'yang maganda mo'ng mukha? Aba'y, kaya pala buong mag-hapong madilim ang ulap dahil sa mood mo. Anyare ba kasi sa lakad mo kahapon?” tanong niya habang sinusuri ang mga lock. “Wala naman,” nanulis ang nguso ko at sinipa ang maliit na bato sa aking gilid. “Stressed lang.” “Huwag kang ma-stressed. Hayaan mo at bibigyan ko ng one star iyong shop ng fengshui expert na kinontrata natin. Malapit na akong maniwala na scam talaga iyon,” naiiling na sambit ni Piyang. Sa twelve hours of duty, dalawa lang ang pasyente namin. Mabuti nga at may naligaw. Mga nabudol ata sa ganda ko'ng taglay. Pero hindi iyon ang issue sa ngayon. Gaano ko man kagustong i-share kay Piyang ang pangyayari kahapon sa Hacienda nila Dylux ay pinili ko na lamang na sarilinin iyon. Hindi ako nakatulog sa buong durasyon ng gabi dahil nag-isip talaga ako ng mabuting paraan para tumigil si Dylux sa pag-ma-manipulate sakin. Kung umasta ito ay parang nagtatrabaho pa rin ako sa kanila. Isampal ko kaya sa matigas niyang pangangatawan ang diploma ko para malaman niyang hindi na ako ang dating tagapakain ng itik sa kamalig. I know that's a decent job but I am just really annoyed. Eh kung, idemanda ko kaya siya ng harrassment nang sa gano'n ay tigilan na niya ako? Hindi ko man masiyadong kabisado ang batas pero alam ko na sa ginagawa ng lalaking iyon ngayon sa akin, matatawag na iyong harassment. At isang kaso iyon na pwede kong ihabla. Ang problema, kung gagawin ko naman iyon, tuluyang maisasara ang Animal Clinic ko? What should I do? Halos ibenta ko ang kaluluwa ko kay Satanas maka-ipon at makapagpatayo lang ng negosyo. Paano kung pumayag na lang kaya ako sa gusto ni Dylux? Kung iisipin, hindi naman na ako lugi sa gandang lahi na mayroon siya. May edad na rin ako at malapit ng sumadsad sa kalendaryo pero hindi pa rin ako nahahalikan man lang ng kung sinong herodes diyan sa tabi. Nahugot ko ang hiningang naipon at saka marahang tinampal ang pisngi. Ano ba itong iniisip ko? Nasisiraan na yata talaga ako. Bakit kinokonsidera ko ang pumayag na lang? Nahahati ako sa dalawa. “Ay, pepe ni Idang!” bulalas ko nang bigla na lamang may busina nang sunod-sunod hindi kalayuan sa tinatayuan ko. Inis kong tiningan ang harapan ng sasakyan ngunit abot-abot na ngisi ang sumalubong sakin mula sa isang tao na pinaka-ayaw kong makita sa balat ng lupa. Lord bakit naman ngayon pa? Bumaba si Dylux sa magarang sasakyan nito at tinalunton ang direksyon palapit sakin. Halos butasin ko ng tingin ang suot niyang long sleeve polo dahil nakabukas pa ang tatlong butones niyon. His manly perfume is waving at me. Parang punpon ng mga bulaklak ang balbon na nakasungaw sa dibdib niya. Palubog na ang araw pero ang suot nitong aviator glass ay hindi pahuhuli. I gulped twice when I felt something weird in my stomach. Tuwang-tuwa ang malanding kulisap na naglalaro sa tiyan ko. Naramdaman ko ang pag-siko sa akin ni Piyang bago bumulong ng kabastusan sa tainga ko. “Nakita ko na ata ang Pontio Pilatong magpapako sa akin sa kama with posas. Sobrang gwapo naman ng lalaking 'yan. Kahit sampu-sampu, bente-bente, handa akong magpaanak diyan. Oh my gosh, mukhang ako ang pakay niya.” Impit nitong tili na may kasamang hampas sa braso ko. Awtomatikong naging maasim ang mukha ko. “Ay naku, may problema ba ang panlasa mo? Ang pangit naman ata ng taste mo, Piyang. Pipili ka na lang din naman ng lalaki, iyong kumpletos rekados naman.” Ganting-bulong ko rin. “Grabe ka. Hindi pa ba mukhang umaapaw sa sangkap 'yan? Kahit menopause na babae, rereglahin kapag naging dyowa 'yan no. Palibhasa umaasa ka pa rin kasi sa benefactor mo na hindi mo man lang kilala kung sino. Ikaw rin, kaaasa mo do'n, matandang hukluban pala iyon.” Sabay buntot ng tawa. Hindi ko na nagawang pumalag sa pang-aasar ni Piyang nang makalapit ng tuluyan si Dylux sa amin. Tinaasan ko nga ng kilay ang lalaki. He doesn't deserve my warm treatment. Para lamang iyon sa taong gusto kong makita. At kung may pinapangarap man akong makita, iyong benefactor ko na. For me, he's my knight and shining armor kahit hindi ko pa ito nakikita. Ito lang naman ang taong tumulong sakin sa mga tuyot days ko no'ng college. “Hello, Mister Pogi. Anong sadya mo rito at napadpad ka sa paraiso ng mga, Diyosa? Are you a tourist or something? Are you lost baby este mister?” tanong ni Piyang kay Dylux na parang matagal na nitong kakilala ang lalaki. Tourist? Baka terorista pwede pa! Terorista ng mga virgin! Inis kong saad sa isip.“Huwag mo ngang batiin 'yang tao na 'yan. Hindi naman 'yan turista. Asungot kamo 'yan.” Kunwa'y suway ko kay Piyang. “Ay, iba ang level ng inis mo te. Kilala mo ba siya? Magkaibigan ba kayo? Ibig sabihin, ikaw ang pakay niya,” wika ni Piyang sakin. “Of course not! Hindi ako nakikipagkaibigan sa balasubas no!” Ingos ko nga. “Ang dalawang tao, kapag magkakilala, it's either magkaibigan or mag-kaaway. So alin kayo sa dalawa?” ani Piyang. “Well, we're kind of friend and enemy. She used to work for us before,” pag-singit ni Dylux, siya na ang nagkumpirma sa tanong ni Piyang. He looked around the place before he stared at me back. Nag-iwas ako ng tingin. “No particular reason why I'm here. Nadaanan ko lang itong lugar along the way. And I think, sayang naman pala ang clinic na 'to, dahil magigiba lang ng wala sa oras.” May himig pang-aasar ang pahiwatig na iyon. Napasinghap sa tabi ko si Piyang. “M-magigiba ang Animal Clinic namin?” “Hindi ba sinabi sayo ng kaibigan mo?” tumakas ang maliit na tawa sa bibig ni Dylux na mas ikinaasar ko. “Hoy! Huwag mo akong pinangungunahan ah. Sandali! Babalik ako! Diyan ka lang ah, mag-tutuos tayo!” Galit ko siyang tinalikuran at saka hinila si Piyang sa tabi para kausapin. “I will wait for you, baby. Just choose a battlefield and let's get fight. Pwede rin naman sa kwarto ko. I have so many spare bed in my room. Comfy and big.” Pahabol na anas ni Dylux. Naniningkit ang mata ko'ng binalingan siya ng pansin at nabwisit lang ako dahil parang tuwang-tuwa pa ito na napipikon ako. Kung may makakarinig dito ay baka isipin na pinapatulan ko ang kulontoy na 'to! Bastos talaga! Bakas na bakas sa pananalita! “Totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'yon, Heina? Gigibain ang clinic mo?” Nag-aalalang sambit ni Piyang. “Kaya ba, problemado ka kanina pa?” Nasapo ko ang noo sa iritasyong hatid ng problemang ito. Problema ko pa rin ngayon ang ipaliwanag kay Piyang ang mga nangyayari. “Tama ang sinabi ni, Dylux.” “Bakit hindi mo sinabi sakin agad?” “May magagawa ka ba?” “W-wala pero ano ba ang kailangan natin gawin para matigil ang operasyon ng paggiba nitong clinic?” Kapagkuwa'y wika niya. “Didn't you hear that asshole? He wants me to f**k on his bed. Gusto niyang maging inahin ako ng anak niya.” Nagtatangis ang bagang na nguso ko kay Dylux. Sinundan naman iyon ng tingin ni Piyang. Pagkatapos ay ikwenento ang mga kaganapan simula umpisa sa pagitan namin ni Dylux. “Wait, hindi masala ng utak ko ang mga sinabi mo.” Gulong-gulo na pahayag niya. “Really? Bakit ikaw?” “Anong bakit ako?” Maang kong tanong. “What I mean is, bakit ikaw? Bakit hindi na lang ako?” Laglag ang panga ko siyang tiningnan at nailing. “Oh sige, ikaw na ang magpabuntis sa kanya ha. Tutal ay gusto mo namang gaga ka.” Hinampas niya ako sa braso sabay tawa. “Biro lang naman. Hindi kita tatablahin siyempre. Maliban na lang kung siya mismo ang magsasabi na gusto niya akong buntisin. Kakalimutan ko munang mag-kaibigan tayo.” Ang lakas ng tili niya nang marahan ko siyang sinabunutan. Bagama't biro lamang ang mga sinabi ni Piyang ay parang may parte sa akin na tumututol. Sandali, bakit naman ako tututol? Pake ko ba kung saang palda si Dylux bumayo. “Are you girls done talking? Hatid ko na kayo.” Hindi naman namalayan na nasa tabi na pala si Dylux. Kumpara kanina ay maginoo na siyang nakangiti sa amin ngayon na parang wala siyang hinahabol sakin. “No thanks, may paa at kotse kami. Let's go, Piyang. Umuwi na tayo.” Firm ko'ng sabi at saka naunang maglakad papunta sa pinagparadahan ng aking kotse. Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa aking sasakyan ay tanaw tanaw ko na ang pagsama ni Piyang kay Dylux. Sabay silang pumasok sa kotse at saka pinaharurot paalis. Naubo pa ako nang masinghot ko ang tumapong alikabok sakin. “s**t ka talaga, Dylux! Balak mo pa'ng isali si Piyang sa kabastusan mo!” gigil ko'ng mantra bago nag-pasiyang sundan kung saang lupalop dadalhin ni Dylux ang kaibigan ko. I saw his car stopped in front of the bar. Mukhang mamahalin ang establishment base sa uri ng istilo at disenyo ng labas. Anong binabalak ngayon ni Dylux? Lalasingin muna ang kaibigan ko bago ikama? Nice move huh. What a gigantic smart. At ito namang makiri na si Piyang, sumama rin. Makakatikim talaga sakin ng kurot sa singit ang babaeng 'to. Ipinarada ko ang kotse nang pumasok na si Dylux at Piyang sa loob ng bar. Nag-iinit ang ulo ko nang makitang nagngi-ngitian pa ang mga ito. May pahawak hawak pa sa balakang ni Piyang habang nakaalalay sa paglalakad. Gentleman my ass! Bago pa ako makapasok sa entrance ay humarang sakin ang kamay ng dalawang bouncer. Literal na mabato ang mga iyon. “Do you have a pass, ma'am?” ani ng Kalbong naka-shades. Nasapo ko ang noo. High class pala ang bar na 'to. May entrance pass! “I'm sorry, pero wala akong pass. Please let me in, may hinahabol lang ako. Magkano ba ang entrance fee? Babayaran ko na lang,” kinapa ko ang wallet sa purse at akmang magbabayad na ngunit “Hindi kami nag-papapasok ng hindi member, ma'am. Balik na lang po kayo bukas para makapag-register. Sa ngayon ay sarado ang opisina namin.” “Kuya, this is urgent. Puri ang nakasalalay dito. I have to find my friend. Nasa panganib siya ng lalaking mahilig sa laman.” Nag-pa-panic ko'ng sabi. Magkasabay na tumawa ang dalawang bouncer. “Miss, hindi simbahan ang pinuntahan mo. Nasa bar ka, kaya malamang lahat ng pumapasok rito, iyon ang gusto. Umuwi ka na. Siguradong nasa mabuting kamay ang kaibigan mo. Walang napapahamak sa pagpunta ng langit.” Palagay ko'y tinubuan ako ng dalawang sungay sa narinig. “Mga tarantado pala kayo, eh! Papasukin niyo ako at irereklamo ko kayo sa manager ninyo! Mga bastos!” eskandalo ko na. Pinilit ko'ng pumasok pero pilit din nila akong tinutulak. “Huwag ka ng makulit, miss. Habang nagpapasensya pa kami ay umuwi ka na,” napipikong banta ng bouncer. Tila wala akong narinig at pinilit pa ring makapasok. Sa pangalawang subok ko ay sa matigas na dib-dib ng lalaki na ako tumama. “Easy boys, babae itong tinutulak niyo. Huwag niyong harasin,” awat ng hindi ko kilalang lalaki sa likuran ko. “She can possibly sue both of you, if she want's too.” Mukhang ginapang ng daga ang mukha ng dalawang bouncer. “Eh kasi sir, 'yang babae na 'yan ay nagpupumilit makapasok ng wala namang pinapakitang pass. Napilitan lang kaming itulak siya,” depensa ng mga ito. Nilingon ko ang estrangherong lalaki at humingi ng tawad. “I'm sorry, sir. Gusto ko lang talagang makapasok pero itong dalawang bantay na 'to, ayaw ako papasukin. Iyong kaibigan ko kasi, gusto kong tawagin dahil basta na lang sumama sa hindi niya kilalang tao. Nasa loob sila ngayon.” Nagtatangis ang ngipin ko habang sinasabi iyon sa estranghero. “Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng lalaking iyon sa kaibigan ko.” “Is that so? Then I'll help you to go inside.” Mabilis na sabi nito. Napangiti ako ng malapad. “Boys, sagot ko na ang isang 'to. Papasukin niyo na.” anito sa dalawang bouncer pagkatapos ay ipinakita ang gold plated na entrance pass nito. “S-sige po, sir.” tulad ng sabi ng dalawang bantay ay mabilis nilang niluwagan ang entrada upang bigyan ako ng daan. “Go and find your friend now, miss,” utos ng mabait na estranghero. Tinandaan ko ang mukha niya. “Maraming salamat. What's your name, sir? Baka magtagpo tayo at ikaw naman ang mangailangan ng tulong ko.” “I doubt it. But you can call me, Francis.” Mahinang pagak na tawa ang namutawi sa kanya. “I'm Heina, by the way. I owe you this one, Francis,” wika ko na tinanguan naman nito at saka mapangaasar na binalingan ang dalawang bantay. “Ano kayo ngayon, huh? Bukas na bukas magpapa-miyembro na talaga ako sa bar na 'to.” Napakamot na lang ang mga ito at saka nag-iwas ng tingin. Nang makapasok ako ay maingay na musika agad ang sumalubong sakin. Sunod ko'ng ginawa ay nagsumiksik sa masukal na mga taong sumasayaw sa dance floor para hanapin si Dylux at Piyang. Erotic music ang nakasalang kaya halos magdikitan ang balat ng mga ito. Hindi ba sila nasu-suffocate sa ginagawa nila? At bilang isinilang na single, hindi ko iyon ma-appreciate. Sa awa ng Diyos ay buhay pa naman akong nakatawid ngunit wala pa rin akong makita na pamilyar na pigura ng mga ito. Nakaramdam ako ng uhaw sa ginagawang paghahanap. Sakto ang pagdaan ng waiter kaya kinuha ko ang bote ng San Mig sa hawak niyang tray at matapang na inisang lagok iyon. Napamaang na lang ang binatilyong waiter nang abutan ko ng pera bilang bayad. “Thanks,” sabay lagpas rito. Consistent naman ang pag-iba-iba ng disco light rason upang mas lalo ako mahirapan hanapin sila. Nasa bingit na ako nang pagsuko nang sa wakas ay mahagip ko ang bulto ni Dylux na noo'y may hawak na tako ng billiard. Masayang nakikipag-apir sa mga kalaro. Kaliwaan ang babae ng loko na kapwa kinulang sa haba ng tela ang mga suot. Tamaan sana ng pulmonya ang mga ito. Napakunot noo ako nang walang Piyang sa tabi nito. Nasaan na naman ang babaeng iyon? Mabigat ang mga paa ko'ng lumapit sa direksyon ni Dylux. Bahagyang puminta ang gulat sa mukha niya nang makilala ako. “What are you doing here?” tanong niya, 'di makapaniwala sa pagsulpot ko. “Nasaan si Piyang? Ilalabas mo ang kaibigan ko o tatawag ako ng pulis?” hamon ko. “May nakikita ka bang anino ng kaibigan mo rito? Wala na siya. She decided to go home already.” Pagdadahilan nito. “It's that the reason why you're here?” “Wala akong tiwala sa mga katulad mo, Montevista. Sigurado ako, tinatago mo ang kaibigan ko para pilitin akong pumayag sa mga gusto mo.” Pihadong nagpapalusot lang ito. Nakita ng dalawang mata ko ang pagpasok nila dito. At ang tagal ko sa labas para hindi makitang lumabas si Piyang. Ako pa ang lokokohin niya. Tumungga muna siya sa beer pagkatapos ay nakangising umiling. “I don't force, women. Sila ang lumalapit sakin para pilitin ako.” May angas na hayag niya. “Kung hindi ka maniniwala sakin, bakit hindi mo siya tawagan?” “Let's see.” Pag-kasa ko sa hamon nito. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at kinoktak ang numero ni Piyang. It rang twice before she answered. “Nasaan ka?” tanong ko sa kabilang linya habang hindi nilulubayan ng tingin si Dylux. Narinig ko ang paghikab ni Piyang sa telepono. “Nasa apartment ko. Bakit ka napatawag? Bakit Nasaan ka? Ang ingay. Don't tell—” Pinutol ko na ang tawag at napapahiyang napapikit. Kandaloko na! I just waste my time in here na sana ay itinutulog ko na pala. I should get out in here. Bago pa ako lamunin ng nagkatawang mga mata ni Dylux ay maagap na akong tumalikod para sana umalis ngunit nahablot nito kaagad ang kwelyo ng polo ko. “Ano ba bitiwan mo ko!” asik ko rito, na kumakawala sa hawak nito. Nasa harapan ko na siya sa isang iglap lang. “Pumasok ka na rin naman dito, samahan mo na akong maglaro. I wan't a cheerleader, baby.” tukoy nito sa larong billiard. Nasa tabi namin ang mesa ng billiards. Happy go lucky lang talaga ang isang 'to. Karera at paglalaro lang ang libangan sa buhay. Well, that's how rich people live. “Cheerleader? Anong tingin mo sakin, may dalang pompoms? Siraulong 'to!” Natalsikan marahil siya ng laway ko sapagkat napaatras ang leeg niya. Pinunasan at pinasada sa labi gamit ang unang daliri. Napangiwi ako pero ang sexy ng dating no'n. “Sumasarap pala ang San Mig kapag galing sayo.” Walang sinabi ang lakas ng speaker sa malanding usal ni Dylux niyon. “You canno't image how hard I am, right now. Ikaw lang ang nakakagawa nito.” Ginagap niya ang isang kamay ko at dinala sa parteng maselan niya. Tumibok-t***k iyon. Para akong napasong nanlalaki ang mata. Binalot ng pamumula ang mukha ko at saka napasulyap sa gitnang hita niya. Bakat nga ang sundalo ng loko! Napalunok ako. Hindi ko alam paano mag-rereact. Should I slap him? Or just run? “Uuwi na ako. Masiyado ng gabi.” sa halip ay paalam ko. Acting like it was no big deal. “Ihahatid na kita.” seryosong deklara niya. “And this time, you cannot refuse my offer.” Hayag niya pagkatapos ay hinagis niya ang tako sa kalaro senyales na wala na itong balak pang maglaro. “P-pero—” Bago pa ako makapag-protesta ay binuhat na niya ako ng tulad sa isang bagong kasal. “Real talk, Heina. I'm really, really starving. Matagal na akong nagtitiis sa ganitong kundisyon. And now, my buddy is finally going to meet his new playmate.” kindat niya sakin bago niya tinahak ang palabas ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD