KABANATA 23

1545 Words

“MABUTI naman at pumasok na ang magaling na doktor ng klinikang ito!” Nakapamewang na salubong ni Piyang sa pinto. Naroon din si Erin na nakangiti. “I'm fine Piyang, thank you,” sarkastikong saad ko naman. Kinuha ko ang doctor's uniform sa bag at isinuot iyon. Nagkamot ako ng tainga sa harapan niya. Pihadong sesermunan ako nito dahil dalawang araw akong absent. “Hindi ko tinatanong kung kamusta ka na. Gusto ko'ng malaman kung saan ka nagsusuot nitong mga nakaraang araw?” Tila nanay na nilayasan ng anak ang dating nito ngayon. Kinokorner niya ang tingin ko. Humikab na nilagpasan ko siya. Dumeretso ako sa opisina at yumukyok sa lamesa. Hinayaan ko lang na bukas ang pinto. They followed me. “Pahingi akong kape please. . ." Inaantok kong pakiusap. “Sige po, dok. Ipagtitimpla kita."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD