Eros POV Masayang-masaya ako nitong mga nagdaang araw... Sawakas! Kami na ni Cyril babydoll hahahah... Di ko inexpect itong kasiyahan na nararamdaman ko... Bumalik na kami sa Manila... Nag-decide si Cyril na wag muna sabihin kay Luther na kami nang dalawa... Sabi ni Cy hahanap daw siya ng tiyempo... Napaka-bait talaga... Ayaw niyang makasakit ng tao... Inaalala pa niya ang nararamdaman ni Luther... Well... He is mine now hahahha at parang gusto ko yatang magpa-party... "Kuya ano yang ngini-ngiti ngiti mo?" Biglang sabi ni Era. Kanina pa pala siya nasa tabi ko dito sa kwarto... "Wala naman... Masaya lang si kuya Eros mo hahhaha..." Tumatawa kong sabi kay Era. "Kuya malala na yan... Bigla ka na lang tumatawa... Kuya samahan na kitang magpa-check up..." Natatawang sabi ni Era sa akin.

