Cyril POV Ang saya ko ng pumasok ako ngayon dito sa school at sinundo pa ako ni Luther sa bahay ko... mabait talaga si Luther at malambing siya sa akin... Seryoso pala talaga si Luther sa sinabi niya sa akin na manliligaw siya... Naglalakad ako ngayon dito sa hallway kasama si Luther... "Cyril... akin na yung bag mo... hayaan mo na ako na ang magdala". Nakangiting sabi ni Luther. "Naku! hindi na nakakahiya naman". Nahihiya kong sabi sa kanya. Biglang kinuha ni Luther ang bag ko kaya hindi na ako tumanggi... "Uuuhhmmm... Cyril simula ngayon ako na ang maghahatid sa iyo pauwi at papunta sa school". Nakangiting sabi ni Luther. "Ha? Di naman kailangan kasi kaya ko naman ang sarili ko". Sagot ko. "Sige ka... baka balikan ka nung mga lalake kagabi tapos wala ang superhero mo". Sabi niya

