Cyril POV Na-alimpungatan ako dahil parang may mabigat na naka-dagan sa akin kaya unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at... Hala! Bakit magkatabi kami ni Sir? Nakaharap ako sa mukha niya na parang one inch na lang ang pagitan kaya naamoy ko ang hininga niya tapos hindi ako makagalaw dahil nakayakap siya ng mahigpit sa akin... Habang nakatitig lang ako kay Sir Eros ay parang bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko... ang gwapo talaga niya kaya maraming nagkakandarapa sa kanyang mga babae sa school at sikat na sikat siya... Napatingin ako sa pinkish na lips ni Sir at naalala ko na naman ang aksindenteng halik na nangyari dahil sa katangahan ko... nag-init na naman ang mukha ko at pakiramdam ko ay namumula na ako na parang kamatis... Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nagkakagusto

