Eros POV Kakauwi lang namin ni Cyril at Era galing sa mall. Nakatulog si Era dahil sa pagod at hindi ko naman maiwasang tanungin si Cyril tungkol sa papa niya kasi hindi ko maintindihan at parang hindi na siya galit. "Babydoll ko..." Malambing kong sabi. "Ano yun Sir Puddin?" Malambing din niyang tanong. "May itatanong lang sana ako tungkol sa papa mo." Ngumiti na naman si Cyril at... "Ano yun Eros?" Huminga muna ako saglit ng malalim... "Galit ka pa ba sa papa mo?" Tumahimik muna si Cyril saglit at pagkatapos ay ngumiti na naman siya sa akin. "Hindi na ako galit." Sabi niya na parang bata. "Huh? Ang bilis mo naman magpatawad." "Hhhmmm... Alam mo kasi nung nakita ko kung gaano kasaya si Era na kasama tayo, alam ko na mas magiging masaya siya kapag nagka-ayos na kami ng papa nam

