DREW'S POV *Earlier.* Hindi ko maintindihan kung aalis na ba ko't babalik sa ball room p itutuloy ang kahibangan ba to. Kaniba habang tinitignan ko si Shiori ay hindi ko maiwasang gustuhin na mapasa-akin siya. Mapasa-akin ang atensiyon niya at ang puso niya. Nakakaloko na tong nararamdaman ko, kung bakit ngayon lang ako nagising at gustuhing ipanalo si Shiori. Pabalik-balik ako sa harap ng pintuan ng silid ni Farah. Iniisip ko kung tama ba ng gagawin ko dahil natatakot sa pwedeng mangyari. Baka imbes na makuha ko ng puso niya ay magalit siya sa akin. Bumukas ang pinto at iniluwa nun Farah. Tulad noong unang pagkakataon na nakilala ko siya sa France at ngayon ay namangha ako sa angkin niyang kagandahan. Iyong kagandahan na nakabibighani. Noong unang beses ko siyang nakit ay aaminin ko,

