Max's POV
Hinarap ko si Ara. Hayyy wala na talagang pag-asa galit na naman yung love ko sa akin. Napahawak ako sa ulo ko. Naman talaga oh di na sinasagot ang tawag ko.
"Max are you ok?". Julia asked me. Napansin ata nya na parang maiiyak na ako.
"Yeah. Ok lang ako. Ara ano pala ginagawa mo dito? Sino kasama mo?" Di ko na lang pinansin ang ginawa nya kanina ayaw ko nang humaba pa ang usapan. Ako na lang bahala mag explain kay Angel.
"Actually im with my Mom kaya lang i saw you two kaya nag paalam muna ako para puntahan kayo" nkasmile nitong saad, may dimples pala sya.
"Ah ok. So alis na muna kami ha kelangan pa namin hanapin si Mark".. paalam ko sa kanya kelangan naman talaga namin hanapin si Mark baka ano na naman ginagawa nun.
"Ganun ba. Oh sige kita na lang sa school guys. Bye" umalis na sya at kami naman ni Julia ay tinawagan si Mark.
Tagal sumagot. Naku talaga Mark!
"Bro asan ka na ba?" Agad kong tanong pagkasagot nya.
"Sorry bro, i just bumped with Lorenzo kanina yung kuya ni Angel bigla akong niyaya kumain" . Matalik rin silang magkaibigan ng mga kapatid ni Angel na si Miguel at Rafael.
Si kuya Alfonzo lang ang hindi namin masyadong kavibes dahil sobrang seryoso na nito ngayon, sya kasi ang susunod sa yapak ng daddy nila.
"Ah ganun kumakain ka na pala jan tapos kami dito nag aalala kung baka napano kana".. inis na sabi ko.
"Hey Maxwell wag kanang magalit jan. Libre na lang namin kayo ni Julia". Dinig kong sabi ni Lorenzo alam ko boses nya yun. Naka loudspeaker ba si Mark? ..
"Oo nga bro wag kanang magalit, uyy smile na yan". Singit naman ni Mark. Narinig ko pang tumawa si Lorenzo.
"Mga bading, pwedi ba sabihin nyo nalang kung saan kayo para makaupo na kami sakit na ng mga paa namin" Asaaar!
"Dito sa Shingwa resto bro. Ok bye". Naglakad na kami ni Julia para puntahan sila Mark. Ako na ang nagdala lahat ng pinamili ni Julia dahil busy ang mga kamay nito sa pagtetxt.
________________________
Sa wakas makakaupo na rin kami. Hayy
"Anong balita Max?" Bungad na tanong ni Lorenzo pagkaupo namin. Nagorder na rin pala sila kanina para sa amin.
"Balita? Di naman ako news reporter para magtanong ka sa akin dude". Sabi ko at inakbayan nya ako.
"Wow matapang ka talaga pagdating sa akin ha. Porket ba may utang na loob ako sayo kaya ganyan ka Max?". Nagdadrama nitong sabi.
"Wag ka ngang magdrama di bagay sayo". Kinuha ko nga ang kamay nyang nkaakbay sa akin.
"Ang sama mo sa akin dude. Di kaya kita ilakad sa kapatid ko ha". Panakot nya sa akin. Tsk!
"You know Lorenz even if hindi mo naman sya ilakad sa kapatid mo hahabol habolin pa rin naman nya si Angel" singit ni Julia habang kumakain.
"Ui grabeh ka Juls ha. Hindi ko naman hinahabol si Angel ah, sadyang mabait lang talaga ako kaya sinusunod ko sya". Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Yeah right. Under ka nga masyado eh". Kantyaw ni Mark. Kala mo hindi rin under kung mkapag salita. Hayyy sige pag tulungan ninyo ako.
Umalis muna si Juls para mag retouch at si Mark naman ay tinawagan muna si Nadine. Kaya naiwan kami ni Lorenzo.
"Max alam ko naman na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin sa BALITA na sinasabi ko" matiim nya akong tiningnan.
"Look Lorenzo to be honest wala talagang nangyayari sa amin ni Angel. Nasa tabi lang nya ako parati pag may kelangan sya". I told him the truth.
"Im just curious Max don't get me wrong. Alam mo naman na di kami tutol sa iyo if ever pero syempre na kay Angel pa rin ang decision about that" ..sincere nyang sabi sa akin at nakatingin sa mga mata ko.
Alam ko naman na di sila tututol dahil sa laki ng utang na loob nila sa akin. Yeah sa akin sila may utang na loob.
Pero kahit ganun di ko yun sinamantala kelangan kong paghirapan ang mga bagay bagay sa buhay at kasama na dun si Angel ang pinaka mamahal ko na si Angelica Lopez.
"Alam ko naman yun dude thankful naman ako na nakakalapit ako kay Angel kahit papaano masaya ako". I smile at him.
"Guys EK tayo please tagal ko ng di nakakapunta dun" aya ni Julia sa amin. Andito na pala silang dalawa.
"Ok ba, tara na para mkarami tayo ng rides".. excited masyado si Lorenzo.
Tumunog ang phone ko si Angel may text. Pinapapunta niya ako sa kanila para magpatulong sa assignments niya.
4:30 nah tapos 6 niya ako pinapapunta.hayyy
"Guys nagtxt kasi si Angel pina papunta niya ako sa kanila kasi magpapa tulong ng assignments niya".. nakita ko naman na nag smile si Lorenzo at iiling iling.
"What? Grabeh talaga radar nyang kapatid mo Lorenzo ha".. halatang naiinis na si Julia.
Nag isip muna ako bago nagreply. Hayy bahala nah.
"Ano guys alis na ako baka matraffic pa ako eh" tumayo na ako.
"Ayan ka na naman eh tanggihan mo rin kaya paminsan minsan yan. Hay naku". Inirapan lang ako ni Julia.
"Juls naman sige nah promise bawi ako next time ha" kiniss ko sya sa cheeks at nag paalam na.
"Wag mong sabihin sa kanila na nagkita tayo Max" pahabol ni Lorenzo. Tssk!!
Nagmamadali akong lumabas ng mall at sumakay sa taxi.
____
Kinabahan talaga ako kanina kay Sir Alfred. Whew. Buti nalang talaga ang bait ni Maam Amanda parating nka smile. Nawala kunti ang kaba ko.
"Tara akyat na tayo kulogo!" aya sa akin ni Angel matapos kaming kumain. Nagpaalam na rin ako kay kuya Alfonzo, Miguel at Rafael.
"Grabeh nabusog ako paborito ko pa ang ulam" .. umupo na ako sa couch sa kwarto ni Angel. Ang laki talaga at puro white at red ang kulay.
"Mukhang nag enjoy kang kasama yung Ara na yun ah". Bigla akong napatingin sa kanya nakataas ang isang kilay nito at nka cross arms pa. Bat na naman nasali si Ara dito?
Ah tama yung kanina. Tsk! Mag explain kana.
"Hindi naman kami magkasama ni Ara kanina bigla lang syang dumating at hinablot yung phone ko. Umalis rin kaagad sya". Explain ko sa kanya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya kinuha ko ang kamay nya at pinaupo sa tabi ko.
Nag iba naman ang expression ng mukha nito. Mukhang nabawasan ang inis nito pero hindi pa rin nakangiti. Hayyy
"Kapal ng mukha nya para kunin ang cellphone mo wala ba syang modo. Ai tama wala talaga syang modo. Pwedi ba wag ka na ngang lalapit dun". Cute pa rin kahit naka kunot ang noo. Hayyy
"Hindi naman ako lumalapit dun. Nagkataon lang talaga na nagkita kami tsaka andun naman si Julia" explain ko parin sa kanya. Nag smile ako baka sakaling mahawa. :)
"Wag ka ngang mag pacute dyan di bagay sayo". Inirapan lang ako.
"Talaga di ako cute? Bakit sabi ni Alex yung kaklase ko cute daw ako kinurot pa nga pisnge ko". Totoo talaga yun. Sabi nila mas lalo daw akong nagiging cute pagnka smile.
Ouch biglang kinurot ang face ko. Shhaakeett!!
"Wow cute ka nga pagnaka smile kaya simula ngayon kukurutin na kita parati. Kase ang cute cute mo eh". Ouuuuccchhh shakkeeett pinang gigilan ang mukha ko. Binitawan nya ang pisnge ko at tumayo.
Sakit ah hinawakan ko ang pisnge ko at hinimas himas ko ito para mawala ang sakit.
"Oh gawin mo to". Binigay nya sa akin ang isang notebook.
"Ano bang subject to? May laptop ka naman bat hindi mo eresearch?". Kinuha ko ang notes nya. Ah mga numbers pala kaya kelangan talagang pag aralan nya.
Ang layo ng kurso namin ah para sa akin sya magpatulong. Andito naman ang mga kuya at daddy nyang business man. Hayyy
"Anong iniisip mo? Tinatawanan mo ba ako kulogo ka ha?" Hinablot nya sa akin ang notes "kung ayaw mo di wag" ayan na naman sya. Papupuntahin ako dito tapos di naman itutuloy kung ano ipapagawa.
"Di naman ako tumatawa ah". Depensa ko "akin na magsimula na tayo". Umupo kami sa study table nya hinila ko ang isang upuan magkatabi kami.
Habang nag susulat sya lihim kong pinagmasdan ang mukha nya. Ang kinis ng mukha tangos ng ilong at ang natural na mapupula nyang mga labi na minsan ko ng ninakawan ng halik. Hayyy at ang buhok nyang kay bango na ang sarap amoy amoyin. My Angel!
"Kung yelo ako malamang kanina pa ako tunaw" sabi nya pero hindi nakatingin sa akin. Lakas ng pakiramdam talaga.tsskk
"Bakit bawal ka na bang tingnan ngayon?" Di ko naman tinatanggi. Im sure namumula ako ngayon.
"Gawin mo nalang to solve mo tapos explain mo sa akin kung pano mo ginawa". Hindi nya ako sinagot. Sungit talaga eh.
"Ok love!" nagsmile ako sa kanya. Nakita ko naman napayuko sya. Ahuh gotcha Angel. Napangiti ko rin sya ayaw pa nyang ipakita pero nahuli ko yun.
Yes!
"Tse! Kuha muna ako ng maiinom".. nag-iwas ito ng tingin at lumabas ng kwarto.
After 15mins tapos ko ng masolve. Inexplain ko naman sa kanya ang mga procedure. Marami naman syang reklamo kesyo di daw ako marunong magexplain. Hayyy
8:40 na pala. Di ko namalayan ang oras kelangan ko na palang umalis.
"Angel kelangan ko ng umuwi. Baka mag alala na sila Mama" .. paalam ko sa kanya.
"Ahmmm. Dito ka nalang kaya matulog may guest room naman kami tsaka may damit naman akong extra na di pa nagagamit. Tawagan mo nalang sila tita im sure di yun magagalit kasi andito ka". Minsan talaga sweet ang mahal ko.
"Sige tatawagan ko muna sila Mama". Di talaga ako makatanggi sa kanya.
"Hello ma goodevening. Ma andito po pala ako kina Angelica kasi nagpatulong po sya sa akin kanina tapos ngayon lang kami natapos".
"Ganun ba anak. Oh di ka pa ba uuwi gabi na ah". Nag aalalang sabi ni Mama.
"Kaya nga po napatawag ako Ma kasi magpapaalam po sana ako na dito nalang ako magpalipas ng gabi. Gabi na rin po tapos di ko pa dala ang kotse kung ok lang Ma?" Lambing kong sabi kay mama.
"Oo nga gabi na rin anak. Wala naman bang problema kay Angelica at Sir Alfred?". Yes!
"Si Angelica nga po nag suggest na dito na po ako magpalipas ng gabi ma". Sinulyapan ko si Angelica na nkatingin sa akin at naka smile.
Nag smile rin ako sa kanya. Hayyy
Nagpaalam na ako kay Mama. Umuwi rin daw ako ng maaga bukas dahil magsisimba kami.
"Hatid na kita sa kwarto mo".. nauna na syang lumakad at may dalang damit na ipapahiram nya sa akin.
Pumasok kami sa isang may katamtaman na laki na kwarto.
"Sige take a rest nah and may toothbrush din sa banyo that you can use". Hinawakan nya ang doorknob pero nakatayo pa rin sya sa may pinto.
"Salamat". Sabi ko
"K. Goodnight" nakatalikod na sya pero hindi pa rin umaalis.
"Uhmmm gusto mo ba ihatid na kita sa kwarto mo muna?". Tanong ko.
Humarap sya sa akin at biglang lumapit. Nakatingin lang ako sa kanya. Medjo mataas ako sa kanya ng konti.
"Bakit Angel?". I ask her. Nakatitig lang ito sa akin.
"You're so stupid you know that!!!" Walang lumabas sa bibig ko. Galit ba sya? Ano na naman ba ginawa ko. Hayyy
Tinalikuran nya ako at binuksan ang pinto pero bago sya tuluyang makalabas hinawakan ko muna ang braso nya. Hayy bahala na!
"Angel p-pwedi bang m-makahingi ng ng ng kiss. Ah ah i mean goodnight kiss?" Nahihiya kong tanong. Whew!
"Sure pikit ka muna" ..napatingin ako sa kanya. Di na ata galit. Buti naman! Hayyy
Pumikit ako at yun may dumamping labi sa aking pis ------- LIPS??. Teka nanaginip na ba ako? Di pa naman ako tulog ah.
Pagmulat ko wala na ito sa harapan ko. Naiwan akong nakatulala at wala sa sariling hinaplos ang labi ko.
Hindi ko naman first time na mahalikan si Angel kaya lang ito ang unang beses na sya ang humalik sa akin. Puro lang naman ako nakaw na halik sa kanya kapag tulog sya.
Masasabi ko nang 'you complete me Angel' .. grabeh ang saya ko talaga! Thank you lord.
Good mood siguro yun ngayon kasi hindi masyadong masungit sa akin. Hay!
Naglinis na muna ako ng katawan pagkatapos ay nagbihis, sinuot ko ang isang white shirt at pajama.
Bigla naman akong nauhaw kaya naisipan kong bumaba. Gising pa naman siguro sila Manang.
"Hi po Manang pwedi po bang makahingi ng tubig" . Magalang kong sabi sa matanda.
"Ito hija!" Nagpasalamat ako at umakyat na para matulog. Nasa pinto na ako ng may magsalita sa likod ko.
"Why are you here?" Bigla akong napatigil "Can we talk Maxwell" .. seryosong saad ni Sir Alfred. Kinabahan ako bigla. Syete!
★☆★