Max's POV
"Salamat lord sa blessings na darating ngayong araw at patnubayan mo po sana ako sa mga gagawin ko po.. Amen." Sabay sign of the cross , papasok na ako sa school ngayon. Pumasok na ako sa sasakyan na ibinigay ng dalawa kong bestfriend, para naman daw may serbes ako papasok sa skul. Di naman masyadong magara yung binigay nilang kotse dahil galing lang yun sa mga ipon nila.
Tamang tama naman kase na binibinta ni Mang Gustin yung kotse nyang honda kaya ayun binili na nila para daw sa akin at para birthday gift na rin kasi dalaga na ako. Hahaha sosyal talaga nila noh kase kotse reneregalo lang. Haayy ayaw ko sanang tanggapin kasi nakakahiya pero mapilit eh. Tsaka sino ba naman ako para tumaggi sa grasya.
Pagka park ko sa sasakyan tenext ko muna si Julia para hintayin nia ako sa may waiting shed. Alam ko kasi nauna na yun sa akin dahil sinusundan niya yung boyfriend nia. Teka ex boyfriend pala. Ewan ko ba sa kanila, maghihiwalay tapos magbabalikan din. Tskk
Kaya ako hanggang crush nalang muna sa dyosa na si Angelica Lopez.. hayyy buhay. Pero totoo inlove talaga ako sa kanya eh. May mga dapat talaga munang unahin bago lovelife.
"-Bilisan mo naman best. Bahala ka pagdi mo binilisan di mo makikita si Devil ayy i mean Angel pala. Hahaha - Julia
Asar di naman sya devil ah masungit lang talaga. Minsan nga naririnig ko pa sa ibang studyante b***h pa daw sya. Bahala sila sya gusto ko eh. Tssk!
"- Dito na po ako sa likod nyo. -Me
Pero kaka baba ko palang talaga ng kotse. Pagkatapos kung masure na nalock ko na ang sasakyan dalidali na akong tumakbo papuntang shed. At ayon si Julia nakakunot ang noo.
"Wow layo palang ah kita na yang kunot mong noo". Sabi ko sabay akbay sa kanya. Lambing ko lang talaga sa kanya.
"Liar" umirap ito sabay tulak sa akin.
"Asan ang baby ko?" I smile. Di ko pinansin ang pagsusungit nia. Sanay na ako.
"Yung baby mong kulang nalang bumuga ng apoy? Yung baby mong pinaglihi sa sama ng loob? Ayun oh nagtitrip na naman sa mga bago" Bigla ako napatayo at tumingin sa tinuro ni Julia. Hayy ayun nga sya tinatapon ang bag ng kawawang babae, kasama ni Angel ang mga kaibigan nia. Ano na naman ba kasalan nun sa kanya. Naman oohhh. Tsk. Kunti nalang ah mababawasan na ng 1% yung love ko sa kanya.hayy
Lumakad ako papunta sa kanila. Bahala na kung magalit na naman sya sa akin.
"EHEMM" tumikhim ako sabay kuha ng bag sa kamay ni Jessy yung isa sa mga alipores nya.
Biglang tumingin si Angel sa akin at binigyan ako ng nakakamatay na tingin. Aist naman yang mata na yan eh. Pero di pwede kawawa naman yung babae. Im sure kanina pa sya nahihiya sa mga tao. Hayyy
"WOW TAPANG MO SAN JOSE AH". Grabeh parang gusto kong tumakbo sa lakas na sigaw ni Angelica. Asarrr naman!
"Di naman sa g-ganun Angel k-kaya lang kase first d-day ata nya sa s-skul kawawa na-naman" utal utal kong sabi sa harap ni Angel. Ikaw ba naman hindi mautal eh hinawakan nia ang tenga ko at aktong pipingoten.
"Ah ganun, so sinasabi mo na hayaan ko nalang sya sa pag dumi nia sa bago kong shoes"? hindi naman nia ako piningot. Pinagpag pa nga nia ang gilid ng damit ko eh.
Hinawakan nia ako sa chin gamit ang index finger nya.
"Ah miss alis nah" sabi ko sa babae. At agad naman itong tumakbo. Bilis ah!
Patay na naman ako dito .. hayy bahala nah!!!
"Go ahead girls i'll just follow after i kill this fucker" maarte nyang sabi sa mga alipores nia at saka tumingin ng makahulugan sa akin.
Fucker? Ako? Virgin pa ako noh. Hmmm
Hayyy ano bang iniisip ko.
"Sige Angel alis na ako" sabi ko with innocent smile. Arraaayyy ano yun.
Binatukan ako? Angel naman eh. Sakit kaya di pa nga kita girlfriend nyan ah.
"Bwisit ka. Bat ka nakialam kanina.. sumunod ka sa akin. NOW" sabay hila nya sa akin papuntang parking lot.
Nasaan ba si Julia. Kanina andun lang yun eh. Talaga naman oh iniwan ba naman ako. Grrrr...
"Pasok" sabi ni devil. I mean angel pala. Mukha kasi syang devil ngayon eh. Pro maganda parin sobrang ganda.
"Ayaw ko may klase pa ako. Tsaka san ba tayo pupunta. Angel naman!" hindi parin ako pumasok sa kotse nya nakatayo lang ako sa labas.
"Papasok ka o magwawala ako dito o gusto mo basagin ko yang sasakyan mo. Sige pili." walang pasensya nyang sabi sa akin at nanlilisik pa ang mata. Katakot ang mahal ko. Hayyy
Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob. "Oo nah di na mabiro eh. Sabi ko nga aabsent ako sa first class. Kahit may quiz kami ngayon, kahit magalit si prof sa akin at--- " di ko na natapos dahil bigla syang nagsalita.
"Paki hanap ng pake ko, tandaan mo to Max ha may kasalanan ka pa sa akin last week tapos ito na naman . Nakaka gigil ka nah. Lagot ka sa'kin!" Sigaw nito at bigla nyang pinaandar ang kotse. Ako tahimik nalang sa tabi . Hayy
"Sorry nah Angel" tiningnan ko sya habang nagdadrive. Ang ganda eh.
"Sapak gusto mo? Wow ha ikaw na ba ang bagong wonder woman ngayon. May patulong tulong kapa kanina. Bwisit yang mukha mo. Kulogo!!!" hindi naman sya masakit magsalita kunti lang . Hayy nakuu kung di lang talaga mahal eh.
"Sweet talaga!" inirapan ko nga. Pero 5sec.lang tapos tiningnan ko ulit sya. Sungit..
"Sabi mo? " Napatingin ako bigla sa kanya.
"Wala sabi ko ang ganda mo ngayon" inosenti kong saad.
"Tsee ngayon lang?? Kung di ko lang alam na patay na patay ka sa akin eh ." Ang yabang talaga kung minsan.
"Guilty po ako" tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Hayy complicated.
Tumahimik na rin sya. Nakarating kami sa isang ice cream parlor. Grabeh mag papalibre lang pala di pa sinabi.
"Libre mo ako dito." sabi nya at nauna ng pumasok. Sama talaga iwan ba naman ako at ang kotse nya. Buti hitech to. Hmmm
Tapos na pala syang umorder. Galing!
Nagtext si Julia. Mabuti naalala pa pala nya ako.
"Best sorry ah umalis na ako kasi nakita ko si Joseph eh kelangan namin magusap tsaka ok ka naman kasama mo love mo di ba" Julia
"K lng .ok na ok nga eh nabawasan pa allowance ko. Paki sabi kay mich wala muna ako sa first class kasi sumakit tyan ko.bye.
"K best. See ya later" lang ya talaga oh. Huhu
"Sino katext mo? " Nakakunot noong tanong ni Angel. Dumating namam ang ice cream nya. Tama sa kanya lang. Di pala ako sinali!
"Si julia katxt ko, bat ikaw lang san yung akin?". Tanong ko. Ang lagay sya lang masaya sa ice cream!
"Akala ko sino na naman katext mo, hati tayo nito. Subuan mo ako masakit kamay ko kanina. Bigat ng bag nung impaktang yun" sweet ata nya ngayon. Sasakyan ko nalang kasi minsan lang.
"Oh nganga" subo ko sa kanya. "Bat kasi ginawa nyo yun sa babae? " i ask her.
"Shut up and don't ask" nagpasubo ulit.
Sumubo nalang din ako ng akin. Sarap nito. Iisang kutsara lang kami. Di naman sya pumalag. Kaya tahimik nalang din ako. Indirect kiss rin.
☆★☆