Chapter Four: Wife Duties + Regrets

1071 Words
                                                                Chapter Four: Wife Duties + Regrets Ellaine May Fria's Point of View     Maaga akong gumising. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gumising na ako. Tumalikod ako at bumaling sa kabilang side at napangiti kung sino ang katabi ko.  Pinagmasdan ko ang lalaking nasa tabi ko na payapang natutulog. Para siyang anghel kapag natutulog pero kapag gising na, hindi ko na alam. Ibang tao na. Kapag kaharap niya ako ay napakalamig ng pakimitungo niya sa akin. Na para bang sukang suka siya sa akin. Kung ganyan ang nararamdaman niya ay sana noong una palang ay tumutol na siya. Tao din ako, may damdamin, nasasaktan.     Tumayo na ako at naghilamos. After that, bumaba na ako para magluto. Simple lang naman ang inuluto ko. Sunny side eggs and ham, nagluto din ako ng fired rice at itinimpla na siya ng kape. Ilang sandali lang ay nakita ko na siyang pababa at inaayos ang uniform niya. "Good morning Theo!" bati ko pero hindi niya ako pinansin. Dumeretso siya sa lamesa at tiningnan ang mga nakahain doon. "Kain ka na," I said. Umupo na siya at hinainan ko na. Tapos ay tumayo lang ako sa gilid niya. "Okay lang ba ang lasa ng fried rice?" tanong ko. Ngumuya-nguya muna siya bago niya ako sinagot. "Puwede na. Pwede ng pagtyagaan," sagot niya. Pinilit ko na lang ngumiti. I will take that as a complement. "Anong ningingiti-ngiti mo diyan?" iritadong tanong niya. Umiling naman ako, "Wala naman," tapos ay humigop  na siya ng tinimpla kong kape. Nagulat na lang ako ng bigla niya itong binato. "Damn! Bakit may asukal yan?" "Ano kasi, I thought gusto mo ng may asukal. I don't know kung ano ang preferred mong timpla." "I hate sweets! Mas masarap pa magtimpla ang mga flings ko sayo!" Hh said. He then grabbed his bag and left. Narinig ko na lang ang pag-andar ng kotse at napabuntong- hininga. May kirot sa puso pero wala naman akong magagawa. "Eh 'di huwag!" sigaw ko at umupo na sa hapag. nagsimula na akong kumain, bawat subo at nguya ko ay mabibigat pero hindi ko namamalayang pumapatak na pala ang mga luha ko. Hindi ko malasahan ang pagkain, mabigat ang dibdib ko, nasasaktan ako. Theo Monteverde's Point of View     "Pare!! Nagyayaya sina bakla! Devil's Bar daw!" sabi ni Henry na bigla na lamang sumusulpot na parang kabute. Tiningnan ko lang siya at ibinalik ang tingin ko sa document na binabasa ko. Istorbo talaga itong kaibigan ko. "Sinong bakla?" tanong ko. Umupo naman siya swivel chair na nasa harap ng office table ko. "Sino pa bang tropa nating LGBTQXYZ? Eh di si Dino! Or I should say Dina!" sagot niya sa akin. Ibinaba ko na ang hawak kong papel at tinitigan siya. I can see his excitement from his eyes. Nagtatakalang din ako at nagyaya si Dino na magbar, usually ay silang dalawa lang ni Louisse or iba naming friends. Hindi nila ako iniinvite, I know naman ang dahilan. They're mad at me. Even after so many years they're still mad at me. "Kailan daw ba?" tanong ko at lalong lumawak anh ngiti niya. "This night! Agad-agad! Friday daw kasi," "Baka naman hindi ako invited diyan. You know they hate me," umiling naman siya. "No. He actually invite you," tapos ay kinuha niya ang phone niya from his pocket. He browse then pinakita sa akin ang isang text message. Binasa ko and yeah, Dino did mentioned me on his text. "Himala at inaya nila ako," I said at bumalik na sa trabaho ko. "Maybe they've moved on and they want to settle some issues with you? Huwag ka na ngang maraming tanong diyan. Ano? Game ka tonight?" tumango na lang ako sa kanya.  "Yep. Game ako," I said. I need to unwind kahit ngayon lang. Masyadong maraming trabaho. Masyado na kasing nakakastress sa work. I also need time for myself and besides bihira na lang makumpleto ang barkada. I should grab this opportunity para makausap na din sila Dino and Louisse. Sila kasi ang pinaka-apektuhan sa barkada noon dahil sa kasalanang ginawa ko. Somehow, I am happy that they're reaching out to me na dapat ako ang gumawa but nahihiya ako.  "Mukhang stress na stress ka ah," napaangat na naman ang tingin ko kay Henry na ginawa ng laruan ang swivel chair ko. Isip bata talaga iyang kaibigan ko pero kahit ganyan ay maasahan siya. "Oo. Tambak ang paper works eh," sabay turo sa isang pile of documents na nasa center table. Tumigil siya sa paglalaro at lumapit sa akin. "Ako naman pre, masilayan ko lang ang mag-ina ko nawawala na ang pagod ko. They are my stress reliever," "Buti ka pa," hindi ko maiwasang makaramdam ng pait at kirot sa puso ko. If I didn't do that to her, siguro ay may sarili na rin akong pamilya. Nasa huli talaga ang pagsisisi.  "Eh ikaw eh! Kung hindi ka pa naman isa't kalahating gago eh di sana masaya ka ngayon. You have your own family na," yeah I know that. I know at nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya. Hindi ko siya pinahalagahan noon. Sinaktan ko siya, physically, emotionally and mentally. I scarred her. Pinaiyak ko siya. Ganoon ako kalupit sa kanya.  If I can  just turn back time ay ginawa ko na but I can't. Naging malupit ako noon at pinagbabayaran ko na ito ngayon. Tiwala rin kasi ako noon. Porke't alam ko na mahal niya ako ay hindi na niya ako iiwan. But I was wrong. May hangganan din pala. Kumbaga sa isang produkto may expiration date. Kung sa karera, may finish line. "Kumusta na kaya siya?" I ask at napatingin ako sa bintana. The sky is so bright, maaliwalas ang paligid. "Oo nga no? Simula ng umalis siya wala na akong narinig tungkol sa kanya," sagot sa akin ni Henry. Kahit ako ay wala ng narinig na balita tungkol sa kanya. Is she happy now? Is she married? Did she finally found someone? I hope not because  I want to make up with her. "Ni hindi ko nga din alam kung nasaan siya ngayon," bumuntong hininga ako. "If ever na makita ko siya, hihingi agad ako ng tawad. Liligawan ko siya. Ipapakita ko kung gaano ako nagsisisi sa mga kasalanang nagawa ko," I said as I look at my wife's picture dito sa phone ko. Ellaine, kapag nagkita tayo I will make sure na babalik ka sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD