CHAPTER SEVEN: #Can'tAfford
Maria Aila's POV
Inayos ko itong medyo gusot kong uniform at sinuklay ang buhok gamit ang daliri bago pumasok sa hotel kung saan makikipagkita si Kiel. Dumating ako rito mga bandang 7:10 ng gabi kase matagal ako nakasakay sa sobramg dami ng taong pauwi na rin. Medyo mahirap makisabay nang gantong oras.
Eto na talaga. Gayle, sana ito na.
Huminga muna ako nang malalim bago napagdesisyonang tahakin ang hallway papunta sa may entrance ng magarang hotel na ito.
Pinagbuksan agad ako ng guard nila at magalang na bumati.
"Thank you, magandang gabi rin po..." sabi ko sabay yuko nang kaunti.
Agad kong hinanap sa Kiel sa grupo ng mga taong nakapaligid sa loob, at hindi na inabot ng ilang segundo, nakita ko siya agad sa may gitnang bahagi ng hall, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
Parang galit ah. Muntik nako mapairap sa nakita ko, hello?! Ano bang ginawa ko?
Kalma, Aya. Yan ka na naman. Naglakad na ako papunta sa table kung nasaan si Kiel. Ngunit habang papalit ako sa kanya, mas kitang kita ko na ngayon yung itsura niya. Naka-gray long sleeve ito na nakatupi sa may siko banda, nakasuot ng itim na relos na mukhang mamahalin, bakat na bakat yung muscles nya sa suot nya ngayon.
Napatingin ako sa paligid, may iilan na sumusulyap-sulyap sa kanya paminsan-minsan. Jusko. Naiintindihan ko kayo mga teh.
Ewan ko ba, parang pinagpapawisan ang mga kamay ko sa pinanggagagawa ko ngayon. Papalapit nang papalapit, palakas nang palakas din yung kabog ng dibdib ko, anobayan!
But I just maintained a calm composure hanggang sa makalapit ako sa table niya, para naman hindi halata yung kaba ko. Jusko, baka kung ano pa isipin niya, hindi ata ako bothered noh!
He looked intently at me as I walked towards him. I can't tell if he is annoyed or what, but palaging mukhang galit sa akin tong taong 'to.
"Always late." he said in a low but firm tone with a hint of sarcasm as he looked at me head to toe.
Muntik nako mapairap sa sinabi niya but damn, pinigilan ko sarili ko para hindi gawin 'yon. Baka kasi bawiin niya ang kung anong plans nila for Gayle.
"Sorry, medyo traffic kasi–"
"Sit." He said a little too disgusted.
Pinigilan ko talaga magpakita ng emosyon. Argh! Sit sit ka dyan, ano ako aso?! Ah, kalma Aila. Kalmahan mo pa. Kaya mo 'yan.
Wala nalang akong ibang ginawa kundi ang umupo sa harapan niya. As I turn my gaze on the table, mayroon na itong nakahanda na plates and utensils naming dalawa while he's already drinking wine.
Nakaka-conscious lang kasi bawat pag-inom niya, tumitingin siya sakin kaso parang palaging galit. Inaano ko ba 'to?
Tumikhim ako matapos makaupo nang maayos.
"Uh, hi, good evening D-d-", putek di ko masabe! I fake a coughed again, "Good evening, D-doc Saldivar." A ghost of smile appeared on his thin lips, but nawala rin ito agad agad. I almost rolled my eyes at him. Shet talaga 'to.
"Ano po bang pag-uusapan natin ngayon?" I said rather calmly and POLITELY. Ako ba 'to?
He stared at me again, and sarcastically smiled. "Hmm.. po? Really?" He smiled again, of course, with sarcasm. "Since when did you learn how to use "po" when talking to me?"
Wag kang umirap, Aila. Bad yon.
"I have always used that—" he cut me off, AGAIN.
"Last time I checked, ako ata yung laging gumagamit sa'yo nyan, hell, I was a very good boy, then..." He said arrogantly and... sexily? Oh no.
FVCK IT. Iba naiisip ko sa 'good boy'. Oh God! My cheeks burned with what he said. Ano ba, Aila! Iba yung ibig niyang sabihin. Ahhhhh.
I closed my eyes. Sinusubukang magtimpi, baka kase kaya ko pa.
Tumikhim uli ako, mas nagpapawis na ngayon yung kamay ko.
"Uh, excuse me ha? PO... You said we'll meet here to talk about Gayle," I stared at him showing how serious I am now, "So can we go straight to the point? Need ko na rin kasi mubalik kasi may naghihintay—"
"Who? Your boyfriend?" He asked sarcastically.
I dismissed what he said. "SI GAYLE. Naghihintay yung kapatid ko sa bahay. So please, let's just get this over and done with." Seryosong sabi ko.
Ano ba't ang daming eksena ng lalaking 'to.
He chuckled. "Okay, if you say so, Miss... De La Paz."
Sa wakas at natigil na rin siya sa mga side comments niya at naging seryoso na sa pinag-uusapan namin. He even ordered us food, sabi ko 'wag na, kaso mukhang ayaw nito magpatalo, pinagbigyan ko nalang. May extra pa naman akong pera rito. Hindi pa naman siguro ako makakahugas ng pinggan ngayon? Jusko, mahal ata tong inorder niyang steak.
Nang magsimula na kaming kumain, tsaka na siya nagsimula sa patungkol kay Gayle...
"Talaga ba?" Halos paiyak na sabi ko. Tumigil na muna ako sa pagsubo nang marinig ang sinabi niya.
"Yes," he nodded, as he cut his food slowly.
"By next month, we will start her treatment. I and my fellow doctor, Dr. Yu will be incharged for whole process. Meaning..." he looked at me straight to the eye, with a ghost of smile on his lips. "I'll be needing your whole cooperation, as well, in the whole duration of the treatment."
Napanganga ako. Is this for real? Wala talaga akong babayaran?
But despite everything, I have no other choice but to agree with what he's saying because these are all for my sister. I would do everything for her, even if it means, getting in touch with my ex-boyfriend again.
Sino ba naman ako para tumanggi? I have left with no other choice but this. Hell, this is even the best thing to do for our situation.
Kaya Lord? Ikaw na po bahala sa amin ni Gayle. Ayoko po ng gulo Lord, gusto ko lang mapagamot siya.
Pagkatapos namin kumain at mag-usap, tinawag na niya yung waiter para magbayad. Lumapit naman ito sa amin at ibinigay ang bill.
Kinuha ko na rin ang wallet kong may kaunting pera. Syempre, magbabayad tayo ngayon. Tumulong na nga iyong tao, pagbabayarin ko pa.
"Magkano po ba, D–doc?" Medyo nasamid ako dun. Hindi talaga ako sanay tawagin siyang doc. Jusmiyo! Baby lang to sakin noon ah. Haha
He raised his eyebrow and looked at me in disbelief. Then he chuckled slowly, like he felt insulted.
"Excuse me?" Sabi niya sabay kuha sa wallet niya.
"Ah kasi ako na sana magbabayad bilang pasasalam—"
"Well... it looks like you can't afford it." He arogantly said and calmly placed his card on the check holder.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. How dare he?! Medyo totoo ha pero what the fvck? Ang baba ng tingin sakin ah!
"Wow.." I said, laughing in disbelief. "Ganyan ba kababa tingin mo sa akin?" Hoy Aila, jusko, yan magpapagamot sa kapatid mo!
Pero hindi ko kasi nagustuhan yung tono ng pananalita nito. The h3ll!
He smiled foolishly and called the waiter to get the card. He said something to the waiter and once done, looked at me teasingly but darker. It feels like he's onto revenge or something. His face clearly says it all!
Talaga bang tutulungan ako ng taong 'to?!
"I don't know," he said like a joke, "Back then, ganon kasi eh. Maybe now, it's still the same Aila I knew..." sabi niya habang inaayos ang cufflinks niya.
And then it struck me.
He's clearly still on whatever happened to us back then.
He's still mad.
I looked at my hands under the table, crumpling my already crumpled long skirt.
Should I trust him when he clearly hasn't move on from what happened?
Should I continue with this?
This is for the good of my sister's condition, but I think it will be bad for me.
Only God knows.
He stood up and walked like he said nothing. "Excuse me, thanks for your time, but my fiancée's already waiting..."