Gus I was waiting for his reaction when I told him that I wanted to die kung ayaw niya akong pakawalan. Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Hinihintay ko kung ano magiging sagot niya sa sinabi kong iyon. Pero hindi ko s'ya narinig na nagsalita hanggang sa gumalaw siya at ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa pinto. Nanlumo ako at muling bumalik sa pagkaka-upo. Matuling lumipas ang mga araw hanggang sa ang isang linggo ay naging dalawa. Nakakulong pa rin sa silid na ito. Nababagot na ako sa pananatili dito sa loob. Wala akong ibang ginawa kundi kumain, matulog at maglinis ng katawan. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay hindi ko na siya muling nakita. Hindi ko alam kung nasaan ang lalaking iyon. I also don't care kung ano ang pinaggagawa niyon kung bakit hindi na nagawi dito. I

