Gus Napakunot ang noo ko nang magtama ang aming tingin. Kung hindi ako nagkakamali, tila may lungkot akong nakita sa mga matang iyon ng lalaki. Ang mga mata niyang matiim na nakatitig pa rin sa akin. Naramdaman ko ang pag-akbay at pagpisil ni Chan sa balikat ko. I looked at him and found him sweating. "Hey, are you alright?" Tuluyan na akong humarap sa kanya at idinantay ko ang likod ng palad ko sa noo niya. Ganunpaman, ramdam ko pa rin ang mainit na titig ng lalaki sa likod ko. Wari'y nagbabaga sa init ang klase ng titig niya na nagsisimulang magpagulo sa akin. Hindi naman bago sa akin ang ganoon, pero parang may iba pagdating sa may-ari ng HJG. I am not comfortable with his looks. "Pagod na ako, hon. Maaari na ba tayong umalis?" Bakas sa boses ng boyfriend ko na tila siya hapong-hap

