Chapter 28 WARNING: Slightly SPG Gus "Hanggang sa makumbinse ko sina Mommy. I won't stay there longer than a week." "A week?" That's long enough. Hanggang tatlong araw lang ang pinakamatagal na hindi ko siya nakita. At ngayon ay magiging isang linggo na yata. Pero wala naman akong magagawa, di ba? He needs to be there. Alangan namang igapos ko siya sa tagiliran ko para lang hindi siya makaalis. Gustuhin ko man maging selfish, hindi maaari. "Eh, kung sumama na lang kaya ako sa'yo?" "What? No!" Nagulat ako sa reaksyon niya. Medyo lumakas ang boses niya at malalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Kalaunan ay natauhan naman siya at ngumiti sa akin. "Busy ka kasi this week. Bukas nga lang ang mahabang off mo. What I mean is you don't need to accompany me. Uuwi rin naman ako kaagad."

