Chapter 22 Gus Matagal kaming nagtitigan ng baby ko. I smiled at him ngunit gaya pa rin ng dati, hindi siya gumanti ng ngiti sa akin. "Hoy! Bakit sa kanya ka nag-cheer?" "Oo nga. E-cheer mo rin si Nickolas!" buyo ng mga kaibigan ko. Naririnig ko sila pero kay Hec pa rin nakatutok ang mga mata ko. Tumatakbo na siya at binabantayan si Chan. Si Marky naman ngayon ang may hawak ng bola kaya hindi mapuknat ang ngiti ni Donna. Kilig na kilig siya habang nakatingin sa kaibigan ko. Nang maipasok ni Marky ang bola ay mas lumala ang sigaw an ng mga kababaihan. Para kaming nanonood ng totoong labanan samantalang nagpa-practice lang naman sila. Muli akong napatingin kay Hec. Kahit sa pagtakbo niya ang hot pa rin niyang tingnan. Napakagwapo niya habang nagjo-jog at nakaawang ng bahagya ang mga la

