Chapter 33 Alas-sais y media ng gabi ay dumating si Mama. Nakasuot pa siya ng isang seksi na bestida. Tiyak na ‘yon ang suot-suot niya habang nagtatrabaho. Nang mapadako ang paningin ko sa kaniyang mukha ay nakita ko na may kolorete pa ang mukha niya. Nang mapatingin naman ako sa mga paa niya ay nakita ko na nakasuot siya ng isang kulay pula na heels na sa tingin ko’y may taas na limang pulgada. “Nakapagsaing ka na ba?” tanong niya nang makaupo sa upuan na kahoy. Ni hindi niya man lang ako nagawang tingnan. Inabala niya kaagad ang sarili niya sa pagkuha ng isang stick ng sigarilyo at saka ‘yon sinindihan. “Ipaghanda mo ako. Kanina pa walang laman ang tiyan ko,” pag-uutos niya habang nasa pagitan ng kaniyang mga labi ang stick ng sigarilyo. Ang mga kamay naman niya ay abala sa pagtanggal

