Episode 9

1086 Words
Dumating ang weekend, birthday na ni Lola Consuelo, may party sa mansion para sa birthday nito, ininvite rin ni Aldrin sina Matt at Leina kaya sabay sabay na silang dumating, sinalubong sila ni Lola Consuelo "Uy andito na kayo, pasok kayo" ani ni Lola Consuelo "O Matt kamusta negosyo?" "Okay na okay po La, Happy Birthday po" sabay halik dito "Salamat" "Happy Birthday po" ani ni Leina sabay beso rin din dito "Salamat" "La, Happy Birthday" ani ni Sarah "Salamat my future apo" ani nito kay Sarah "Lola talaga" "Bakit? Dahil sayo iba ang glow ng Aldrin ko" "Halata po ba La?" ani ni Aldrin "Oo, o paano pasok na at magsikain na kayo" Nagsipasok na nga apat sa loob, pagkatapos kumuha ng pagkain ay naupo na sila, nagkwentuhan sila habang kumakain "Bebear kain ka ng kain ha?" ani ni Aldrin "Oo, ikaw rin" "Gusto ko kasi mabusog ka" ngumiti naman si Sarah sa kanya Maya maya ay nagsimula na ang program, tinawag si Aldrin sa harapan para magbigay ng message sa Lola niya "La, I would like to thank you for everything, ikaw na ang naging magulang ko mula nang mawala ang Daddy at Mommy ko, I love you so much Lola" "I love you too apo" ani ni Lola Consuelo, hinalikan naman ito ni Aldrin sa noo "Ahm, I would like to call Sarah, come here iha" Nagulat si Sarah nang tawagin siya ni Lola Consuelo sa harapan, lumapit siya dito at inalalayan siya ni Aldrin "This is Miss Sarah Marthena Miranda, and my grandson asked me if he can ask Sarah something important" sabay tingin kay Aldrin "Apo" sabay abot ng mikropono kay Aldrin "Sarah, ang aking munting prinsesa, gusto ko lang malaman mo na sobrang mahal na mahal kita, ayokong mawala ka sa akin, gusto ko sanang itanong sayo kung okay lang ba na mula sa pagiging prinsesa ko, ay maging ikaw si Sarah, ang aking reyna? Will you be my wife Bebear ko?" Naluha si Sarah at napatakip ng bibig "Bebear ko, yes" nagpalakpakan ang mga tao, kinuha ni Aldrin ang singsing sa bulsa niya at isinuot kay Sarah "I love you Bebear" "I love you too Bebear" ani ni Sarah, hinalikan naman siya ni Aldrin sa labi "Congratulations" bati ni Lola Consuelo at niyakap ang dalawa "I told you Iha, you will be my future apo" Napangiti si Sarah "Thank you Lola" "Suportado ko siya dahil alam kong masaya siya sayo, ikaw ang kaligayahan ni Aldrin" "Siya rin ang buhay ko La" ani ni Aldrin habang nakatitig kay Sarah "Hindi ko po alam ang sasabihin ko" "I know, you felt overwhelmed" at muling niyakap si Sarah, maya maya ay bumaba na sa stage si Aldrin at Sarah at bumalik sa table. nila "Congrats Mardz" ani ni Leina sabay yakap kay Sarah "Thank you" "Congrats magiging reyna na ang prinsesa" ani ni Matt "Salamat" ani ni Sarah, inakbayan naman ni Aldrin si Sarah "Happy ang Bebear ko?" bulong ni Aldrin habang titig na titig kay Sarah at haplos ang pisngi nito "Sobra Bebear, pero parang mabilis ata Bebear" "Hindi ah, tama lang, matagal na tayong magkakilala, ilang years na, matagal na nating mahal ang isat isa, matagal na tayong nagtiis, wag na nating dagdagan pa, saka magpeprepare pa tayo for our wedding" "Sigurado ka ba na ako ang gusto mo maging asawa?" "Sigurado ako, ikaw lang ang minahal ko ng ganito, at ikaw rin ang gusto kong maging ina ng mga anak ko" Ngumiti si Sarah "Mahal na mahal kita" "Mas mahal na mahal kita" "Pinaka mahal na mahal kita" "Mas pinaka mahal na mahal kita" natatawang ani ni Aldrin, natawa rin si Sarah "Hindi tayo matatapos Bebear" "Okay lang, hindi rin matatapos ang love ko sayo" sabay tingin kina Matt at Leina "Oy kayo naman ang aabay sa amin ngayon ah" "Oo ba" sagot ni Matt "Pati yung mga chismosang biik flower girl namin yun" "Tado ka mga anak ko yun" natatawang ani ni Leina "Oo flower girl namin sila, pati si Jayr" "Flower girl?" ani ni Matt "Gusto mo ba?" "Suntukan na lang" natatawang sagot ni Matt "Pero kidding aside were happy for you" "Thank you Pre" ani ni Aldrin sabay abot ng kamay ni Matt "Wala Pre, hindi talaga tayo para sa isat-isa eh, we need to move on" "Oo nga, ang importante naman, natikman natin ang isat-isa" sabay nagtawanan ang dalawa "Yuck!" ani nina Leina at Sarah "Makayuck tong dalawang to, joke lang yun" ani ni Matt "Halikan kita dyan Mahal ko" "Mahal, wag niyo nang uulitin yun, nashoshock kami" "Luka luka" ani ni Aldrin kay Leina Natapos na ang party, isa isa nang nagpaalam ang mga bisita, paalis na rin sina Leina, Matt, Aldrin at Sarah "Mag-iingat kayo ahh" ani ni Lola Consuelo "Opo Lola, salamat po, Happy Birthday po ulit" ani ni Leina sabay beso dito, ganun din ang ginawa ni Matt "Pre una na kami" ani ni Matt kay Aldrin at saka nakipagkamay "Sige ingat kayo ah" ani ni Aldrin, nakipagbeso din ito kay Leina, yumakap din si Sarah sa mag-asawa, nang makaalis sina Leina at Matt ay si Aldrin at Sarah naman ang nagpaalam kay Lola Consuelo "La, paano? Salamat sa pagbibigay sa akin ng chance para makapagpropose kay Sarah kanina" "Sus wala yun, basta sa ikaliligaya mo" "Thank you pa rin La" "Happy ka?" "Sobra po" "O, basta aalagaan niyong maigi ang isat-isa, alagaan niyo ang relasyon niyong dalawa" "Opo La" "Sarah, ikaw ang babae, magpakatatag ka para sa pamilya, sayo aasa ang lahat, maaaring si Aldrin ang magpoprovide pero ang role mo bilang asawa lalo ina, hindi yun matatawaran" "Opo La" "Masaya ako para sa inyong dalawa" nakangiting ani nito "Salamat po" ani ni Sarah, lumapit sila matanda at yumakap "Paano La, alis na rin po kami" ani ni Aldrin "O sige ingat ah" "Baka bukas na rin ako ng gabi uuwi, kasi bukas po pupunta kami nina Matt at Leina" "O sige okay lang apo, eh bakit hindi mo dito patulugin bukas si Sarah, para naman makapagwentuhan pa kami ng matagal" Napatingin si Aldrin kay Sarah "Ano? Okay lang sayo?" "Hindi ba nakakahiya?" "Walang nakakahiya Iha, dito ka na matulog bukas, sooner naman, magiging bahagi ka na ng pamilya" "Sige po La, salamat" Nang may biglang pumasok na kotse sa loob ng bakuran "La, late naman ata yang bisita mo" ani ni Aldrin "Sino ba yan?" Lumabas ang hindi inaasahang bisita, parehas nabigla sina Aldrin at Lola Consuelo, mas lalo si Aldrin dahil hindi niya ineexpect ang mga taong dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD