Lumipas pa ang mga oras, naibalik na si Sarah sa kwarto niya, at ang tanging andun lang ay ang asawa, naupo ito sa gilid ng higaan at tinitigan ang asawa "Kamusta ang pakiramdam mo Bebear?" ani ni Aldrin "Medyo hilo lang, ang mga anak natin?" "Nasa nursery pa" "Sila Lola?" "Nasa nursery rin" "Hm? Excited?" "Alam mo na, lahat sila andun" "Lahat?" "Si Lola, si Tito, Si Matt at Leina pati na rin si Adel" Napangiti si Sarah "Excited silang lahat" "Oo Bebear, o baka hindi mo pa napapansin ang wall" Saka lang tumingin sa dingding si Sarah "Aba, may pawelcome pa, malamang si Leina ang nakaisip niyan" "Sinabi mo pa, ang galing nga eh, pagkabalik ko galing delivery room nakadikit na yan" "Ang sweet nila... Bebear wag ka nang aalis ah? Wag mo na akong iiwan" "Hindi na Bebear, hindi na

