Kinagabihan ay umuwi na si Aldrin at sabay sabay silang naghapunan nina Sarah at Lola Consuelo "Alam mo Aldrin" ani ni Lola Consuelo "May tumawag sa akin kanina, unregistered number, babae ang sumagot, hindi nagpakilala, pero pamilyar ang boses parang si Patricia" "Ano pong number ang ginamit?" "Hindi kasi lumabas ang number, basta unregistered lang ang nakalagay" "Anong sabi?" "Miss me" "Miss me?" "Oo yun lang ang sinabi" "La, mag-iingat kayo lagi, hindi natin alam kung ano ang plano ni Patricia" "Siguradong may pinaplano siya apo" "Opo" "Bebear" ani ni Sarah "Paano pala sa binyag ng mga anak natin?" "Wag kang mag-alala Bebear wala siyang magagawa sa mga bata, kukuha ako ng mga secret agents para hindi naman tayo magmukhang praning, kasi wala pa namang pagbabanta si Patricia"

