Kinabukasan maaga pa lang ay nasa biyahe na sila, nagkasya silang lahat sa van, si Aldrin na rin ang nagdrive at si Matt ang katabi niya, silang dalawa ang magpapalitan sa pagmamaneho dahil parehas nilang kabisado ang daan papuntang Baguio, nakatulog naman ang mga bata sa likod, katabi naman ni Sarah at Lola Consuelo ang kambal na nasa child carrier, gising ang dalawa at panay ang daldal na siyempre sila lang ang nakakaintindi, maya maya ang nagising si Tintin "Mommy" ani nito kay Leina "O bakit nak? Sleep ka pa" "Mommy, hungry ako" "Sus ginoo, nagising ka kasi gutom ka?" "Opo" "Eto Mam Leina" ani ni Adel "May baon tayong sandwich dito" "Ay salamat" ani ni Leina sabay abot sa sandwich at binigay kay Tintin "Thank you po" ani naman ni Tintin kay Adel "You're welcome Baby Girl" "O

