Dumating ang oras ng hapunan, sabay sabay silang kumain pero walang nagsasalita ni isa sa kanila, kaya nagsalita na si Lola Consuelo "Mamaya, mag-uusap usap tayo tungkol sa sitwasyon natin ngayon" Napatingin si Redford sa ina "Ma sorry" tapos ay napatingin rin kina Aldrin at Sarah "Sorry Aldrin, Sorry Sarah, naging selfish ako, kami" "Oo nga" ani ni Patricia "Pasensiya na, nabigla rin kami, nalito, pero tama kayo, dapat sama sama nating harapin ito, at tama ka rin naman Aldrin, sa akin nagsimula ang lahat" Nagkatinginan naman sina Sarah at Aldrin "Sorry rin" ani niya "Tito, Patricia, pasensiya na rin sa mga nasabi ko, pakiramdam ko kasi iiwan niyo kami sa ere" "Hindi mangyayari yun, ilalaban natin ang katahimikan ng pamilya natin" ani naman ni Redford "So ano ngayon ang plano?" "Kai

