Lumipas pa ang mga oras, sabay nang nakauwi sina Aldrin at Philip, si Redford ay makikipagkita naman kay Atong, pagpasok ng bahay ay nagtataka si Aldrin, hindi kasi siya sinalubong ng asawa "San si Sarah?" tanong ni Aldrin kay Maya "Wala pa siya, nagtext siya sayo kanina?" "Oo sasamahan daw niya si Leina at Tintin kay Dra. Punzalan" "Hindi pa siya nakakauwi eh, tawagan mo kaya si Leina, naiwan kasi ni Sarah ang phone niya sa kwarto ng kambal" ani ni Maya "Si Lola?" ani ni Philip sa asawa "Nasa kwarto niya, masakit ang ulo, nag-aalala na rin sa kapatid mo yun" "Ano ba tong si Sarah" "Hello Leina" ani ni Aldrin sa phone "Aldrin, bakit?" "Magkasama pa kayo ni Sarah?" "Hindi, kanina pa kami naghiwalay" "What do you mean kanina pa kayo naghiwalay?" "Kasi sabi ko ihahatid ko na siya

