Lumipas pa ang mga oras, dumating na si Lola Consuelo kasama si Baby Enzo, tuwang tuwa ang baby nang makita ang ina, inilapit ito ng Yaya kay Sarah "Kuya Enzo ko" ani ni Sarah sabay yakap sa anak, nakasmile naman ang anak na nakatingin sa kanya "Kamusta ka na apo?" ani ni Lola Consuelo "Okay naman po La" "Buti walang nangyaring masama sayo" "Salamat po at dumating sina Aldrin, Patricia at Tito" "Alam mo na ba ang nangyari sa Tito niyo?" "Opo La, sana po maging okay na rin siya" "Sana nga apo, asan pala si Patricia" "Nasa ICU po, pinuntahan niya si Tito" "Ah, o teka lang ha? Pupuntahan ko lang siya, nang madalaw na rin si Redford" "Sige po La" ani ni Sarah at lumabas na si Lola Consuelo, maya maya ay bumalik naman si Aldrin, bumili kasi siya ng Milk Tea, nagrequest kasi ang asawa

