Dreena's POV Nakarating na kami sa hotel na tutuloyan namin. Hanggang ngayon wala parin kaming pansinan ni Migs. Yung babae naming kasama ay kanina parin naghahanap ng signal, bwesit! But if wala talagang signal, then paano nakatawag si Migs? Pareho ba kaming nagpapanggap na may kausap? Damnit. "Hay salamat! Nagkaroon din!" sabi ng babae, nandito pa kami sa lobby. Umirap nalamang ako at sumama kay Migs sa counter. "Two rooms," tipid na sabi ni Migs sa babae. "I'm sorry, Sir. Isang room nalang po kasi ang natitira samin ngayon. But, that room is for two, pwede po kayo doon ng girlfriend mo." nakangiting sabi ng babae. Tinaasan ko siya ng kilay, "Mukha ba kaming in relationship?" mataray na tanong ko sa babae. Napatungo ang babae, "I'm sorry, Ma'am. Bagay lang po kasi kayo." sagot ng

