Kyona's POV Isang malutong na sampal ang ibinigay ko kay Kram. Nakatagilid parin ang ulo niya tila hindi inaasahan ang ginawa ko. Napaawang din ang bibig niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko. s**t! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko dahil sa galit. "Walang sa'yo, Kram! Hindi mo 'ko pagmamay-ari!" singhal ko sa kaniya. Ikinuyom ko ang aking mga kamay to stop myself from hitting him. Bakit siya ganito!? Bakit niya to ginagawa!? Bakit niya pa 'ko ginugulo!? "Wala ng sayo Kram simula nung pinakawalan na kita sa puso ko..." sabi ko at tinignan siya ng mariin. Unti-unti siyang tumingin sakin. His eyes are full of sadness, maraming gustong sabihin ang mga mata niya. "Kryps, please, let me explain..." malambing na sabi niya trying to hold my hand. Nararamdaman ko na ang pangingili

