Chapter 23 - Revenge

2082 Words

Kyona's POV Hindi ko na hinanap si Jett. Hindi ko na alam kung anong una kong gagawin, eh. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Kung paano ako uuwi at kung paano ako makakasakay na tama ang pag-iisip ko. Napaupo ako gilid ng poste dahil may malaking bato roon. Medyo nakalayo-layo na ako sa party. Ang bigat bigat parin ng pakiramdam ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa 'yun ni Kram sakin. Ang akala ko mahal niya parin ako! Ang akala ko gusto niyang makipagbalikan sa'kin, pero hindi! Sinabi niya lang ang lahat ng 'yun dahil gusto niya 'kong makuha. Gusto niyang subukan 'kong bibigay ako sa kaniya. Napakawalang hiya niya! Napahagulhol nanaman ako ng iyak. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. Kailangan kong ilabas lahat ng luha ko. Ayokong umuwi sa bahay na umiiyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD