Nang dahil sa nangyari ay konte lang ang nabenta ko sa gabing 'yun. Umiyak ako sa banyo dahil ayoko ng bumalik roon.
Hindi ko nga alam kung kaya ko pang magtrabaho doon kung nandoon lagi si Kram. Hindi ko kakayanin kung 'yun lagi ang makikita ko.
Pero napaisip-isip ako. Nagbago na talaga si Kram. Hindi na siya ang Kram na minahal ko. Hindi na siya ang Kram na nakilala ko. Ang kababata ko. Ang Krypton ko.
At ito pa, bakit siya may kahalikang iba kung sila ni Dreena? Wala na ba sila? Parang mas kinurot ang puso ko sa dahilang hindi niya na talaga ako babalikan kahit maghiwalay pa sila.
Pero kung sila pa ni Dreena, bakit nakikipaghalikan siya sa iba? Hindi ko maatim na ginagago niya ang bestfriend ko.
Alam kong hindi naman kami nagkaayos at nagkaroon ng closure ni Dreena bago siya umalis pero para sa akin ayos na kami. Napatawad ko na siya at hindi pwedeng ginagago siya nito.
Kaya ito ako ngayon nakatunganga sa computer dito sa internet shop. Binuksan ko ang f*******: ko para imessage si Dreena, pero na-block ko nga pala siya kaya inunblock ko siya para maka-message ako sa kaniya.
Napabuntong hininga ako. Ano naman ang sasabihin ko? Naginagago siya ng boyfriend niya? Maniniwala naman kaya siya? Baka mas lalo pa kaming mag-away. Baka magalit pa siya sakin at isiping sinisiraan ko si Kram.
Haaay, ano ba tong pinag-iisip ko. Wag na nga lang. Shut up nalang ako at hindi ko nalang hahayaan ang sarili kong mangialam sa kanila. Labas na ako sa problema nila.
May biglang umupo sa katabi kong upuan na bakante, "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." sabi niya at pagod akong tinignan.
Sinulyapan ko siya at bumalik sa computer ang atensyon, "Bakit mo ko hinahanap?" tanong ko.
"Diba wala ka pang trabaho? And you want to help your mother, right?" tanong niya.
Hindi ko siya tinignan at napakagat labi. Hindi niya pa nga pala alam na nagtatrabaho ako sa bar dahil ayaw ipasabi ni Tita Gloria.
Tumango ako sa kaniya. Bigla niyang inusog ang upuan niya palapit sakin, "You want job? I can offer you a job. Just make a manuscript, at ipapasa natin sa isang publishing company. May talent ka sa pagsusulat, ba't di mo ipatuloy?" tanong niya habang nakatingin ng seryoso sakin.
Hindi ko alam pero napatitig ako sa mukha niya. Sobrang lapit na parang naduduling ako. Ang magaganda niyang mata na kulay brown, ang medyo matangos niyang ilong at ang medyo singkit niyang mata ngunit may napakahabang pilikmata.
"I want you to pursue writing, Kyon." seryosong sagot niya at umiwas ng tingin.
Bigla akong natauhan at nag-iwas ng tingin. Napakagat labi ako, s**t. Napatitig ba ako ng matagal?
"H-hindi ko alam kung k-kaya ko," nauutal na sagot ko.
Shit. Bakit pakiramdam ko may kung anong paru-paro sa tiyan ko at parang pakiramdam ko ay namumula ako. Dalawang beses ko na siyang natitigan at sobrang nakakahiya na.
"I know you can, try mo. You can earn thousands if they will publish your story." sabi niya at parang iniiwasang magtama ang mata namin.
Ughhh! Ayan tuloy, mukhang na-awkwardan ang gago.
Pinilit kong umirap, "Wala akong hilig magsulat at bakit mo ba ako pinipilit?" mariin kong sagot.
"Kasi kailangan ni Tita Kara," sagot niya, "At dito ako kumikita para samin ni Mama." dugtong niya.
Nanlaki ang mata ko, "Writer ka? OMG!" di makapaniwalang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot sa halip ay lumapit pa siya sakin para makalapit sa computer. May tinipa siya sa keyboard isang di ko kilalang website.
"Ano 'yan?" tanong ko.
Hindi ko narinig ang sagot ni Jett dahil biglang nag-ingay ang mga naglalaro sa loob ng computer.
"Sh*t, p*ta! Yung base!"
"Gag*! Bantayan mo!"
"T*ngin* mo, pinakawalan mo! Ayan naagaw ng iba!" sabay halakhak.
"Humugot pa ang p*ta!"
"Kram, dude, focus naman, o!" isang mababang boses na mukhang takot sa pinagsabihan.
"T*ngin*! Gusto kong mag-focus, kaso malapit yung kalaban e!"
Bigla nanlaki ang mata ko at nawala ang atensyon sa pinapakita at itinuturo ni Jett sa computer nang marinig ko ang pangalan ni Kram.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Inilibot ko ang mata ko sa loob ng shop pero hindi ko makita si Kram. s**t! Nabibingi na ata ako.
Umiling nalang ako. Pati boses niya naririnig ko narin sa kung saan. Diba't tanggap mo na, Kyona? Ang unang hakbang para makalimot ay ang tumaggap hindi ba?
Bakit ang hirap paring alisin ni Kram sa isip ko? Pati narin sa puso ko. Ganun naba talaga katindi ang nararamdaman ko para kay Kram na imposible nang mawala siya sa isip ko.
Sinabi sakin ni Jett kung paano siya naging writer. Nag-umpisa siya katulad ko na walang magawa at isinusulat ang mga naiisip at nararamdaman.
Hindi pa nga ako makapaniwalang writer siya. I mean, lalake siya e. Pinabasa ni Jett sakin ang sypnosis ng story niya at sobrang namangha ako.
Kasalukuyang dalawa na ang ibinebentang libro na sulat niya. Mas lalo akong na-engganyo sa sinabi niya.
Kung gusto ko pa nga daw ay pumunta ako sa writing corner para magsulat at mabasa ng iba ang sulat mo for free.
Pero paano ako makakasulat kung puyat naman ako lagi dahil sa trabaho ko? Mabuti nalang at 4PM ang labas ko sa school at may oras pa akong matulog para sa trabaho ko na pang-gabi.
Sinabi ko nalang kay Mama na nagtatrabaho ako sa isang 24hours store kaya wala na siyang tanong sakin. Hindi naman araw-araw ang pagiging marlboro girl ko pero nag-apply naman akong taga-linis bago bumukas ang bar at maglinis linis hanggang 10 ng gabi.
At ngayon naghahanda na ako sa banyo dito sa bar kasama si Elena.
"Grabe sobrang hot ng lalake kagabi. Sayang at di ka sumama sakin," sabi ni Elena habang naglalagay ng eyeshadow sa mata.
Kilala ko ang hot na tinutukoy niya kaya nagkibit balikat nalang ako. Para sakin hindi 'yun hot kung ginagawa niya sa iba.
Ughh! Ano, Kyona? Hot ito kung sayo niya ginawa? Tsk. Kailan pa dumumi utak ko?
Kahit hindi ako komportable sa suot naming maikling dress na kulay pula. Sobrang sexy nito pero carry ko naman.
Saktong 9PM lumabas na kami sa banyo ni Elena at ang iba pa. Naghiwa-hiwalay na kami nila Elena. Ayokong bumalik doon sa lugar kung saan si Kram. Baka maalala ko lang kagabi.
May parte sakin na kinakabahan parin na baka muli ko siyang makita dito at may kahalikang iba pero nanaig parin sakin ang ideyang kailangan namin to nila Mama.
"Cigar, sir?" tanong ko sa lalakeng nadaanan ko.
Nginitian niya ako pero ang mata niya ay nakatingin sa binti ko. Napalunok ako. Hindi maiiwasan magkaroon ng mga manyak na customer lalo na't nasa isang bar ka kaya alam ko na ito. Kailangan kong magtiis.
Napakagat labi siya at tumingin sakin, "Yes, white mint." sagot niya at ngumiti siya na parang manyak.
Lihim akong napairap ako. Kahit may itsyura siya ay nandidiri ako.
Binigay ko sa kaniya ang sigarilyo niya pero kinuha niya 'yun na may dalang paghaplos sa kamay ko.
Inagaw ko kaagad 'yun dahil mukhang mananatili pa sa kamay ko ang kamay niya.
"Your hands are so soft, babe..." sabi niya at kumindat.
Sinubukan kong ngumiti. Timpi lang Kyona. Hindi naman kayo magkikita niyan bukas dahil hindi kami magbebenta bukas.
"Salamat. Yung bayad niyo po." sagot ko.
Umangat ang labi niya, "You know, I can pay you more if you accompany me here tonight..." sabi niya at lumapit sakin kaya umatras ako.
Nanlaki ang mata ko. At mas nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso para ilapit sa kaniya.
Napaatras ako pero hinila niya ako ulit papunta sa kaniya. "Come on, babe." sabi niya at marahas na nilagay ang kaniyang kamay sa aking bewang.
"Bitiwan mo ko!" singhal ko sabay tulak sa kaniya pero di man lang ito natinag.
Kahit masisisigaw ako dito ay hindi naman ako papansinin kasi ang lakas ng tunog ng music at madilim. Hahalikan na sana ako ng lalake ng biglang may humigit sakin at bigla nalang tumilapon ang lalake.
Insert song: Kung Sakali Man by Angeline Quinto

(though mas maganda kapag nasa chorus na nang kanta hahahaha)
Nagulat ako sa mabilis na nangyari at sa galit na si Kram na sinugod pa ang lalake para suntukin. Inawat siya ng mga lalake pero malakas si Kram at nasuntok niya pa at nasipa bago siya maawat ng tatlong lalake.
"Gag* ka! Wala kang karapatan para hawakan siya!" sigaw ni Kram sa lalakeng puro pasa na ang mata
Mabibigat ang paghinga ko dahil sa nangyari. Nang kumalma si Kram ay tumingin siya sakin. Madilim ang kaniyang ekspresyon. Hinawakan niya ang braso ko at marahas na hinila papunta sa kung saan.
"Teka, Kram! Bitiwan mo 'ko!" sabi ko at pilit inalis ang kamay niya sa braso ko pero hindi ko maalis. Hanggang sa makarating kami sa labas ng bar. Actually, sa likod ito ng bar.
Marahas niya akong binitiwan at tinignan mula ulo hanggang paa, "Ano ba! Bakit mo ko hinila?!" singhal ko.
Tumingin siya sakin at bakas sa mga mata niya ang galit, "What are you doing here? and why are you dress like that?!" galit na tanong niya.
Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil bakas sa boses niya na nag-aalala siya, pero hindi ko hahayaang bumigay ako dahil sa nag-aalala siya. Diba't ang sabi niya ay nag-aalala lang siya kasi naging magkaibigan kami noon! Kaya wag ka nang mag-isip nang kung ano pa, Kyona! s**t!
Pinilit kong wag maluha at taas noong tumingin sa kaniya, "Wala kang pakialam," malamig na sagot ko at babalik na sana sa loob ng higitin niya ako upang bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina.
"Ano ba, Kram! May trabaho pa 'ko!" iritadong sigaw ko at marahas na binawi ang kamay ko na hawak niya.
"Why are you working here? Bakit dito pa? Bakit ganyan pa!? Bata ka pa!" iritadong tanong niya rin sabay turo sa mga sigarilyong dala ko.
Napalunok ako, "Kailangan kong magtrabaho kaya excuse me lang po kasi kailangan ko pang makabenta." sabi ko at muling sinubukang umalis pero hinarangan niya ako.
"Sa tingin mo ba marangal na trabaho 'yan?" tanong niya at ayan nanaman ang nag-aalalang mukha niya na nagpapalambot ng puso ko.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Wala akong nakikitang masama sa pagbenta ng sigarilyo at may permiso ng bar na ito." sagot ko.
"So, okay lang sayo na bastusin ka kasi ganyan ka revealing sa suot mo. What are you thinking!? It's not decent!" singhal niya.
Parang biglang dumilim ang paningin ko sa kaniya, "Wala kang pakialam kung ganito ang trabaho ko kaya pwede ba padaanin mo ako para makabalik na ako sa trabaho ko?" mariin na sabi ko at mabilis na nilampasan siya.
"Hindi ba pwedeng mangialam ang isang kaibigan, Kyona?" mahinang tanong niya kaya natigilan ako.
Napakagat labi ako sa sinabi niya. Bigla nanamang humapdi ang mata ko. Kaibigan? Kaibigan nalang ba talaga, Kram? Humugot ako ng malalim na paghinga bago humarap sa kaniya at pinigilan ang umiyak.
Nagulat pa ako sa itsyura niyang malungkot na nagpalambot sa akin, pero hindi ko kailangang manlambot. Hindi siya karapatdapat maging kaibigan ko.
"Kaibigan? Simula nung sinaktan mo ko, hindi na kita tinuring na kaibigan. Hindi naging kaibigan ang turing ko sayo. Kaya pwede ba? Wala nalang pakialamanan?" sabi ko at pumiyok kaya agad akong umalis roon.
Parang pinilipit ang puso ko habang naglalakad papasok at iniwan siya. Kailangan na talaga kitang kalimutan, Kram. At kung palagi nalang kitang makikita dito sa bar ay aalis nalang ako. Hindi ko kaya. Hindi na kaya nang puso ko.
Bakit hirap na hirap ako? Bakit sobrang hirap kalimutan ni Kram? Ano bang nagawa ko para masaktan ng ganito? Para maghirap at makulong sa nakaraan namin noong masaya pa kami?
Bakit sobra akong nagbigay nang pagmamahal at siya naman ay nagbigay nang di umabot ng kalahati sa ibinigay ko. Dahil kung pantay ang pagmamahal namin sa isa't-isa pareho kaming lumaban.