L U N A NASA sala kaming lahat habang inaantay na bumalik si Draco. Lumingon ako sa direksyon ni Eli, pinapakalma siya ni Axel at Owen, dahil kanina pa ito hindi mapakali dahil sa ama niya na hanggang ngayon hindi pa rin nakabalik. Napansin kong biglang tumayo si Trina at nag tungo ito sa kusina. Naalala ko na hindi pa rin sila nag uusap pagkatapos ang sagutan nila ng ate niya kanina. Tumayo ako. "Babe, where are you going?" Lumingon ako kay Seth. "Nauuhaw ako, iinom lang ako ng tubig." Pagkatapos ko sabihin yun napatango lang si Seth kaya nagtungo na ako papunta kusina. Naabutan ko si Trina na umiinom ng tubig, kumuha ako ng basi. "You know how you act earlier is rude." Lumingon siya sa akin nung sabihin ko yun. "Im just defending myself." Huminto muna ako sa pagkuha ng tubig at

