Pinarest ko na muna sila mama sa itaas kasama sipa Clinton at Luke. Buti nalang nagpatawag si Axel sa mga tauhan niya para mag bantay dito sa bahay, pinakalat ng mga lalaki niya sa paligid ng bahay na ito para mabantayan. Ikwinento ko na kila Luna ang nangyari sa akin. "Ano pa ba gusto nila sayo? Bakit hindi ka nila pinapakawalan o pinapatay?" Lahat kami apat napatingin kay Luna dahil sa sinabi niya. "Don't get me wrong okay, just to think about your situation, para something ka na kailangan nila?* "Baka dahil siya yung pwedeng gamitin para ipag away dalawang grupo." Sagot pa ni Trina. "Eh sayo Axel, wala ka ba talaga nakita?" Umiling si Axel. "Teka tawagan niyo nga ulit si Thalia, bakit wala parin siya hanggang ngayon?" ° Nag alala na ako kay Thalia dahil simula nung kinuha nila

