E L I N N E T H Nauna nang matulog ni Axel, nagpaiwan muna ako dito sa sala dahil aantayin ko pa si dad. Gusto ko lang kasi na kausapin siya, about sa ginagawa niya. Wala naman mali yung maging ahead ka sa future mo pero bakit parang may alam siya na mangyayari? Parang ang aga naman para ilipat sa amin ang pag aari niya sa amin Owen.. "Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Owen sa akin, kakagaling lang niya sa kusina. Umiling ako. "Gusto ko lang sana kausapin si dad." "Tungkol ba ito kanina? Sa sinabi ko?" Tanong sa akin ni Owe n. "Hindi ba pwede ipagpabukas na lang yan?" Umiling ako ulit. "I can't wait." "Baka mamaya pa yun uuwi." "Aantayin ko pa rin siya." "Alam niyo ang ingay niyong dalalwa. " Napalingon kami ni Owen sa nagsalaita. "Ano ba yang pinag uusapan niyo?" Tanong ni Lu

