Snow's POV
Pansamantalang pinauwi ako dito sa bahay namin dahil nga daw sa pamamanhikan. I am laying down here on my bed and I was still able to remember how did I talk to my dad when I arrived.
Pinindot ko na lang ang door bell. The limousine na naghatid sa akin ay hindi rin umaalis and there are even Knights who are guarding the vicinity. Napapailing na lang ako sa kapraningan ni Yuan. Katakot takot pa na paliwanagan ng sinabi ko na hindi siya pwedeng sumama sa bahay. Paano ba naman kasi nun nalaman niya na uuwi ako rito pansamantala ay gustong sumama dahil wala daw magbabantay sa akin. Halos matuyuan pa ako ng dugo sa pagpapaliwanag sa kanya na isang araw lang naman akong mawawala then magkakasama na ulit kami. Hay.... He was changed. Maybe love changed him, at napapangiti ako dahil ako ang dahilan nun.
"Ay Seniorita Snow! Ikaw po pala yan. Pasok po kayo." Bungad ng katulong namin na hindi ko matandaan ang pangalan dahil alam ko na bago ito pero nakita ko na ito noong huli kong punta rito.
"Thanks." Saad ko. Agad naman akong pumasok at nasarado ang gate. Dinig ko naman ang pag-alis ng limousine kaya dumiretso na ako sa loob ng bahay.
Nadatnan ko naman doon ang step family ko na prenteng naka-upo na akala mo sila yung may-ari ng bahay.
"Oh, the b***h is back." Komento ni Ria.
I will make a note na dadalhin ko ito pagbalik ko sa Palasyo at ipapakain ko ito sa demonyo. Kung makabitch akala mo naman kung sinong mabait.
"Oh hi ugly sister! Balita ko nagpaayos ka raw ng mukha mo? Eh bakit walang improvement? Bakit ang chaka pa rin?" Nanunuyang tanong ko rito. Wag niyo akong pakialamanan. Maldita talaga ako sa maldita.
"You what?!" Galit na sigaw nito sa akin.
"Ay hindi lang pala pangit, bingi din pala." Ulit ko rito.
"Mom!" She cried.
"Snow, tama na yan." Sita nito sa akin. "Kakarating mo pa lang nang-aaway ka na sa kapatid mo."
Napataas naman ang kilay ko. Kita at dinig niya di ba? Sino sa palagay niya ang nauna? And what the heck? Kapatid? Eeew!
"Excuse me? Baka naman nabingi ka na rin Step mom. Yung anak niyo ang nauna, ibinalik ko lang sa kanya. And don't ever call her my sister, kasi mukha siyang tuhod na puno ng kalyo." Sagot ko naman rito. Ewan ko ba. Tuwing umuuwi ako rito, talagang nagiging bruha ako sa mga ito.
"Aba't somosobra ka ng bata ka!" Sigaw ni Friah sa akin.
Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Why don't you just leave the house then? Wag niyo ng hintayin na kaladkarin ko pa kayo palabas dito." Banta ko rito.
Natahimik naman si Friah.
"But mom! Bakit ba tayo nagpapa-api sa kanya? Asawa kayo! May karapatan kayo!" Naiiyak naman si Dia.
I smirked. "Yeah, step mom. Bakit hindi mo ipaglaban ang karapatan mo? Nakakawalang gana kasi kayo na kalaban. You bored me so much. Nagkaroon lang ng konting excitement ng pinagplanuhan mo akong patayin." Doon na nanigas ang mga panga ko ng maalala ko na naman yun. "I never knew you were that desperate. Naging mabait naman ako sa inyo dati, inalila niyo pa nga ako sa sarili kong pamamahay. I don't understand why of all those things, galit kayo sa akin. Bakit? Dahil ba sa akin ipinamama ni Papa ang lahat at walang natira sa inyo? Aren't you just proving yourself na pera nga lang ang habol niyo kaya pinakasalan mo si Papa. Hahaha. I am just thankful na sa akin pinamana ni Papa lahat, dahil kung baka sa inyo nawala na itong lahat." Mahabang litanya ko sa mga ito.
Gulat naman ang gumuhit sa mukha ni Friah. Takot at iba pa. Pero hindi ako naaawa sa kanya. She deserves this...
"How dare you accusing my mom!" Naiiyak na saad ni Dia.
"Kahit kailan Snow, maldita ka talaga!" Sigaw naman ni Ria.
So ako pa? Eh sila itong bumuhay sa pagkamaldita ko. "Hahaha. Funny. Kayo ang dahilan bakit ako ganito. Kaya sisihin niyo mga sarili niyo dahil ang tatanga niyo. Ang taong mabait, ginawa niyong tarantado." Bulyaw ko sa mga ito at pumanhik na ako sa taas
Kailangan nilang umalis sa pamamahay na ito. Baka dumating ang araw madamay pa sila sa gulo. I have a feeling that Clad won't stop not until he has me. Madadamay ang pamilya ko.
"Anak?" Biglang tawag naman sa akin ni Papa na kalalabas lang ng kuwarto.
"Papa!" Bati ko rito at agad naman akong lumapit rito para yumakap.
"My daughter, I missed you. Bakit pala biglaan ang uwi mo? Di ka man lang nagtext." Tanong nito sa akin.
Napangiti naman ako rito. "Eh kasi Papa, kaya po ako umuwi rito........ May mamamanhikan na po." Sagot ko rito.
Kumunot naman ang noo nito na tila hindi nakuha ang ibig kong sabihin. "What do you mean by that? Kanino mamamanhikan?" Naguguluhang tanong nito.
Ngumiti ako ulit. Hindi ako nahihiyang sabihin ito. "Ako dad. Ikakasal na po ako."
Rumehistro ang gulat nito sa mukha at tila naging bato na nga ito sa kinatatayuan niya.
"A-anak... Anong pinagsasabi mo? Wala ka pa ngang boyfriend." Tila di makapaniwalang tanong nito ng matauhan na ito ulit.
Ngumuso naman ako. Grabe naman itong si Papa parang sinabi lang na ang pangit ko kaya wala akong boyfriend.
"Meron na po Papa. Makikilala niyo siya bukas at ang pamilya niya." Nakangiting saad ko. Balak ko sanang sorpresahin si Papa kung sino ang darating bukas. Baka kasi pagsabihin ko na ngayon kung sino, baka di ito mapalagay at biglaang remodel ang gagawin nito sa bahay.
"Eh bakit ang bilis naman anak? Nag-aaral ka pa. At sigurado ka na ba talaga sa lalaking yan? Ni hindi ko pa yan nakakaliskisan." Saad nito ulit na halatang nag-aalala.
"Papa naman. Wala ba kayong tiwala sa taste ko? Syempre, pipili ba naman ako ng taong ikakapahamak ko?" Nakalabing tanong ko rito.
"Alam ko naman yun anak. Pero ang bilis lang kasi." Sagot nito sa akin.
Alam ko. Totoong napakabilis ng pangyayari. Kahit ako nga ay yun din ang iniisip pero alam ko na may dahilan si Yuan bakit minamadali nito na maitali ako sa kanya. Alam ko na natatakot siya na mawala ako bigla dahil kay Clad. Pero hindi ko naman hahayaan na makuha ako ni Clad. Over my dead body.
"Mahal mo ba?" Tanong ni papa sa akin.
"Mahal na mahal." Sagot ko rito. Napabuntong hininga na lang ang Papa ko at hinalikan ako sa noo.
"I never thought that this day will come earlier than I expect. Kung saan ka masaya anak, susuportahan kita." Nakangiting saad ni Papa sa akin.
Napangiti naman ako rito. "Salamat papa." Usal ko rito.
Napapangiti pa rin ako. Bukas na darating sila Yuan. Iniisip ko tuloy kung ano ang magiging reaksyon nila kung malalaman nila na si Yuan ang Prinsipe ng Universe ang mapapangasawa ko. Epic kaya ang reaksyon nila? Balak pa naman sumama ng lahat bukas. Pati sina Mikaella at yung kambal sasama daw din.
Naipikit ko na lang ang aking mga mata dahil ginugupo na ako ng antok. Pero biglang naalala ko si Silvan, he is in the palace dahil hindi na siya pwedeng isama rito dahil matatakot lang sa kanya sina Papa.
•••
Napanganga na lang ako. When I woke up, maraming tao sa bahay. Inaayos ang garden at may mga nakalagay na table covered with white Lenin. Yung sa tingin ko eh parang may ikakasal na. Di ba pamamanhikan pa lang? Tapos mamayang hapon pa darating sina Yuan dahil gabi naman ang pamamanhikan ng mga ito. May mga nagkakabit pa ng mga lights sa paligid para masiguro nila na maliwanag mamayang gabi.
Napatingin na lang ako sa damit na nakalatag sa aking higaan. It was a white silk worm turtle neck long gown with flown skirt. Ang bongga ng damit ko para lang sa pamamanhikan. Pwede nga lang akong magsuot ng jeans. Pero napangiti na lang din ako. Si Yuan kasi ang nagpadala nito at siya din ang pumili. Alam na alam din ng hinayupak ang sukat ko. s**t. May naalala ako bigla hahaha.
Nandito lang ako sa kuwarto ko buong araw. Hindi ako pinapalabas ni Papa dahil sinusunod nito ang mga pamahiin ng mga matatanda. Kaya heto ako ngayon sa kuwarto at inaayusan. Bakit ba parang ang bongga naman ng pamamanhikan na ito. Pwede naman simplihan na lang nila.
Naririnig ko ang mga ugong nga mga dumating na mga sasakyan. May pakiramdam ako na sila na ang mga yun. Pero bakit ang dami? Baka occupied na nila ang buong kalsada.
"Seniorita, nandito na po yung mapapangasawa niyo! Hindi niyo naman po sinabi na yung prinsipe pala mapapangasawa niyo." Excited na saad ng aming isang katulong at kinikilig pa talaga.
Ngumiti naman ako. "Sige. Sabihin mo sa kanila, walang pwedeng pumasok sa kuwarto dahil bawal. Mamaya na ako magpapakita sa kanila." Utos ko naman rito.
"Opo seniorita." Sagot nito at lumabas na ng kuwarto.
Nagpatuloy lang ang nag-aayos sa akin. Kagagawan naman ito ni Yuan kaya hindi na nagugulat ang nag-aayos sa akin kung sino ang mapapangasawa ko. Dinig na dinig ko ang ingay sa baba. Narinig ko pa nga ang boses ni Yuki at Luna pero walang nagtangka na pumasok sa kuwarto ko dahil yun ang kabilin bilinan ko.
Sumapit na nga ang gabi. Sinisipat ko ang sarili ko sa salamin. Napapapikit na lang ako dahil sa damit ko. Bakit, ang bongga?
Kitang kita yung tiyan ko tapos parang manipis yung tela pero hindi naman pangit tingnan kasi gabi naman. Nakalugay kang ang ikinulot kong buhok and my lips are the only darker shade dahil nga gabi ang venue. Hindi pwede light make up pag gabi.
"Seniorita, magsisimula na po." Tawag sa akin ng katulong.
Tumango naman ako rito. I breathe in and I slowly walk to go outside from my room. The moment I stepped on the ladder, all eyes are on me taking their breath away especially the man who is wearing in white tux with his free flowing white long hair and I descended the stairs without breaking our stares.
___________________________________
Okay hanggang dito muna. Next na yung ibang kilig. Hehehe.
Vote and Comment!