Chapter 5

1389 Words
BRIELLE POV Vacant period namin ngayun dahil nagkaroon ng urgent meeting ang mga teachers. Kasalukuyan kaming nakaupo ni Kiara sa damuhan sa ilalim ng puno malapit sa quadrangle ng school ng dumating si Nicky na may dala dalang chichiria. “Girls.! Alam nyu ba yung latest..?” chika agad ni Nicky pagkaupo nito sa damuhan. Nagkatinginan kami ni Kiara at sabay na nagkibit balikat. “ Nasagap ko lang to sa Canteen, May magtatransfer daw dito, a girl named Allison Guevarra” Naeexcite nitong sabi. “ And…? bakit subrang excited ka naman?lagi naman may nagtatransfer dito sa atin ah” asik ni Kiara dito. “ Nuh ka bah.. doesn’t that name ring a bill to your mind?” marahan pang nahampas ni Nicky si Kiara sa balikat habang nagsasalita ito. Napansin kong nag isip din si Kiara, nakatingin lang ako sa dalawa habang kumakain ng chichiria. Nang biglang lumaki ang mata ni Kiara at tila kilala na nito kung sino ang tinutukoy ni Nicky. “ Si Allie..? Yung kababata nila Zacc at Rael.?” parang di makapaniwalang tanung ni Kiara . Tumango tango si Nicky habang kumakagat din ng chichiria. “OMG! That pabebe girl again, I really don’t like that girl” tila naiiritang sabi ni Kiara at nakataas pa ang Kilay nito habang nakahalukip ang mga kamay. “You know what Briee, if ever dumating yang babaeng yan dito, don’t you ever make friends with her or lumapit man lang sa kaniya.” Babalang sabi ni Nicky sabay kuha ng isang pirasong crackers at isinubo sa akin. “ Yeah, she’s an angel outside but a devil inside” segunda ni Kiara dito. Tapatango tango nalang ako sa dalawa. “Is she really close to them?” curious kung tanung sa dalawa. “That girl?” tanung ni Nicky and I nodded. “They grow up together, kasi they’re neighbor and that girl is always sticking with Zacc before as if she owns him” paliwanag ni Nicky. “ We know her since naging schoolmate kami during our elementary days And then her parents migrated sa ibang bansa at isinama siya.” Kwento naman ni Kiara. “Ah basta just stay away from her, okey!” sabi ni Nicky at bahagya pang inilipat ang mukha sa akin para marinig kung mabuti ang sinasabi nito. Ilang sandali pa natahimik na kaming tatlo, nagbabasa ako ng libro, si Kiara naman at si Nicky ay panay scroll sa mga cellphone nila. “I’m bored!” daing ni Kiara. “ Me too!” reklamo din ni Nicky. “ manuod nalang kaya tayo ng practice game ng mga boys!” suggest ko sa kanila. Sabay pang napalingon ang dalawa sa akin. “ Aba..aba..aba.. ngayun ka lang nagka interest manuod ng practice game ng mga bakulaw na yun ah, my crush ka sa basketball team nuh..?!” panunudyo ni Kiara na tila kinikilig pa na habang sinisiko ako. “Ayeeee…!” tukso pa lalo ng dalawa dahil biglang namula ang pisngi ko sa panunukso ni Kiara. “Wala nuh..! Suggest ko lang naman ,kasi nga di bah, madalas na silang nagpapractice ngayun, so I think kilangan nila yung support natin di bah..!?” paliwanag ko sa dalawa. Nagkatingin ulit ang dalawa na may panunuksong ngiti sa mga labi. “Sige na nga, baka meron cute boys doon” nakangiting sabi ni Nicky sabay tayo at pinagpag ang damit. Tumayo nadin kami ni Kiara at kinuha ang mga bag namin. Naglakad kami papuntang Gym na nasa bandang likuran ng School Building. Kasalukuyang naglalaro ang mga kaibigan naming lalaki kaya hindi man lang nila napansin na pumasok kami sa gym. Naupo kami sa Itaas na bahagi ng bench na nasa bandang gilid ng gym. Napatingin kami sa naglalaro sa gitna ng basketball court. Hawak ni Rai ang bola at ipinasa nito kay Zacc na malapit sa ring, agad naman nishoot ni Zacc ang bola at hindi man lang ito nagmintis kahit may nakabantay dito. Bigla naman pumalakpak sina Nicky at Kiara. “ Nice one Zacc..!!” sigaw ni Kiara. Napalingon tuloy ang mga naglalaro sa amin.. Kumaway naman ang dalawa ng lumingon sa amin ang mga boys. Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko ng napatingin si Zacc sa gawi ko. “Ganito padin ba talaga kaguwapo tong si Zacc kahit pinagpapawisan “ Gumanti din ng kaway ang mga kaibigan namin at agad napangiti ng makita kami. Naglaro pa ulit sila bago mag time out. Agad namang lumapit ang apat na boys sa puwesto namin. Habang nagpupunas ng pawis nila. “ Kanina pa kayo dito?” tanung ni Vince ng makaupo sa kasunod na row ng inuupuan namin.Tumabi din dito si Nate, pumunta naman sa likurang upuan namin sina Rael at Zacc. “Hindi naman gaanu, kakarating lang din namin” sabi ni Nicky may dala padin itong chichiria at inalok sa mga boys. Kinuha naman ni Vince ang isa at nagsimulang kumain. “ Ahemm, nabored kasi tong si Briee kaya nag aya dito.” Nanunuksong sabi ni Kiara sabay siko sa tagiliran ko. “Oyy hindi ah..!” Nahihiyang sabi ko. Napalingon tuloy ang mga boys sakin kaya lalong namula ang pisngi ko. “Sinu ba kasi dito yung crush mu Briee?” nakangising sabi ni Nicky sabay tingin sa ibaba ng court at tila naghahanap ng guwapong lalaki. “ Bat sa baba ka naghahanap,nandito lahat ng guwapo sa harap mo oyy!” Nambubuskang sabi ni Vince. "As if naman isa sa inyo ang crush ni Briee!" Nakairap na sabi ni Nicky. “Wala ka ng makikitang guwapo dun sa baba” nang aasar ding sabi ni Rael habang nakangisi. “grabi..lakas ng hangin ah! Malay nyu naman meron pang mas guwapo dito sa inyo”nakairap ding sabi ni Kiara. Nailing lang ako sa asaran ng mga ito, sadyang ganito talaga mag asaran ang mga kaibigan kong to. Mabuti at walang napipikon dahil sanay na kami sa ugali ng isat isa. Napatingin ako sa gawi nila Rael at Zacc sa likuran namin, Ngunit nagkamali yata ako ng desisyun na lumingon dahil nasalubong ko ang mga mata ni Zacc. Wala itong imik ngunit nananatili lang nakatitig sa akin, agad kung binawi ang tingin ko sa kaniya at napatingin sa baba ng court. “ Briee, may nakikita ka pa bang ibang guwapo dito maliban sa amin!?” di talaga papaawat tong si Vince. Inilapit pa nito ang mukha sa akin, ngunit agad naman namang nailayo ang mukha nito dahil sa mahabang kamay na galing sa likuran ko. Hinarang ni Zacc ang kamay nito sa mukha ni Vince at marahang tinulak papalayo ang mukha ni Vince. Nagtawanan nalang ang grupo dahil sa nakasimangot na mukha ni Vince. “Oyy tigil nyu na yan, tignan nyu lalo lang nagbablush tong si Briee.” Pansin ni Nate sa akin na may nakakalukong ngiti. Napahawak nman ako bigla sa pisngi ko. “Hindi kaya!” defensive kung sabi. “ Nag aya ako dito to support you guys , nothing else...!” paliwanag ko sa mga ito. Nagkibit balikat lang ang dalawang babae at nagpalitan lang ng ngisi ang tatlong boys maliban sa isa na tahimik na nakikinig sa kanila. Kinuha ko ang dala kung mineral water at uminom ng kaunti. “By the way, Guys you heard about Allie, nakauwi na pala sila at magtatransfer ulit siya dito sa school natin” pag iiba ni Kiara sa usapan. “ Yeah, Rael told us kanina” sabi ni Vince. “Alam mu na pala, wala ka man lang sinasabi” nagtatampong sabi Nicky kay Rai. “ Kagabi ko lang din nalaman nuh, Itong si Zacc ang unang nakaalam, nagkita nadin sila” paliwanag naman ni Rai. Napalingon kami sa gawi ni Zacc at naghihintay ng sasabihin nito. “Nothing important” sabi lang nito at tumayo.Naglakad ito papunta sa tabi ng inuupuan ko at kinuha ang mineral na hawak ko sabay inom. “ Thanks “ sabi nito at tumingin sakin. narinig naming pumito ang Coach nila. “ Back to practice” aya ni Zacc sa mga kasama sabay bitbit ng mineral water ko at nauna na itong bumaba sa court. Napabuntunghininga nalang ako habang nakatingin sa kanila na naglalakad na sa loob ng court. Muli silang naglaro at habang nakatingin ako kay Zacc di maiwasang pumasok sa isip ko ang isang tanung “ What really is His relationship with that Girl?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD