BRIELLE POV
“Briee.. where are you?” tanung ni Kiara sa Kabilang line. Papasok pa lamang siya sa loob ng kanilang school ng mag ring ang kaniyang Cellphone and it was Kiara.
“I’m already here inside the campus” sagot ko sa kaniya.
“Good.. pumunta ka na dito sa gym at malapit ng magsimula ang laro.” Kiara said bago binaba ang phone.
Ngayung araw gaganapin ang mga sports activities kaya halos ang mga estudyante ay nasa loob na ng kanilang gym. Tinanghali na ako ng pasok dahil dumaan pa ako sa Flower Shop kanina. Mabilis akong naglalakad ng may marinig akong tilian ng mga estudyante malapit sa parking lot. Agad akong tumigil at tinignan ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Nang bahagyang mahawi ang mga estudyante I saw a group of male students na alam kung hindi namin ka school mate. Agad nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung sinu sila.
Don’t tell me they are the basketball team from Jacksok High.. sigaw ng isip ko.
Nagsimula na silang maglakad papunta sa gym.. and alam ko na dadaan sila malapit sa akin. Pinauna ko na muna silang pumasok sa gym kaya I stayed for a while. Someone in a white cap suddenly turn his head to me.. Kahit ako nagulat sa pamilyar nitong mukha.
“Dominick..?”mahina kung sabi.
Tumigil din ito sa paglalakad at may sinabi sa mga kateam nito. Napalingon naman sa akin ang grupo nito at mga nakangiting nagpatuloy sa paglalakad.
Samantala I saw Dom walking towards me. I don’t know what to do kaya nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.
“ Hi..Maxie…im so glad to see you here” nakangiting salubong nito sa akin.
“ I never thought you were also from Jackson High..are you part of the team?" nakangiti ko ding tanung sa kaniya.
“Yeah…You didn’t asked so I didn’t mention it to you.” Tila nahihiya pa nitong sabi.
“You’re going to the gym right..? I will walk with you there.” Sabi ko dito. Nakita kong umaliwalas lalo ang mukha nito.
“Really.. that’s a great idea.. I never thought that St.Therese students are so nice.” nakangiting sabi nito.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gym.. At napansin kung napapatingin ito sa mga booth na nadadaanan namin.
“I guessed you are having fun yesterday here..” sabi nito.
“Ah..yes.., I enjoyed the activities yesterday..although busy din because we are making sure that everything will going to be fine.” Kuwento ko dito.
“ Sana lang makagala pa kami dito mamya after ng laro.” Sabi nito.
“Why not..visitors are also welcome here.” Sabi ko dito.
“Hmm.. I hope so..” sabi nito at ngumiti ulit.
Nakarating na kami sa gym at itinuro ko dito ang daanan papunta sa likuran ng gym kung saan nanduduon ang room para sa mga basketball players.
“Thank you Briee…”sabi nito at tatalikod na sana ito ng bigla itong lumingon ulit.
“Are you going to watch the game..?” tanung nito.
I nodded to him at napangiti naman ito.
“Great..well see you around Briee..” sabi nito at mabilis ng naglakad papunts sa likod ng gym.
Hinanap ko naman sila Kiara at Nicky. Sa karamihan ng mga estudyante. Halos mapuno ang buong gym at lahat excited manuod ng laro.
I spotted my friends sa pangatlong raw ng upuan..kung saan madalas naming inuupuan.
“Ang tagal mo naman Briee..” reklamo ni Kiara ng makalapit ako sa kanila.
“Well I just saw a friend..” sabi ko dito.
“Friend..sinung friend..??” pang uusisa nito ngunit hindi na ako nakasagot ng lumabas na ang team nila Zacc para mag stretching. Halos mapuno ng sigawan ang buong gym.
Maya maya pa lumabas nadin ang team ng Jackson High. Sinalubong din sila ng malakas na hiyawan ng mga estudyante. Hindi din magpapahuli ang Jackson High kung gandang lalaki lang din ang pag uuspan sa mga players nila. Kaya nga kilala din ang school nila sa kanilang bayan.
I saw Dominick na huling pumasok sa court at nagsimulang mag stretching.
“Its Him…!!” sabi ni Nicky at bahagya pa akong niyugyog habang tinuturo si Dom.
“Who..?” tanung ko dito.
“Siya yung guy na pinakita ko sayo sa phone ko remember?” sabi nito.
Nagsalubong ang mga kilay ko ng pilit inalala ang picture sa cellphone ni Nicky. Kaya pala mukha na siyang pamilyar sa akin ng una kaming magkita sa bookstore.. nakalimutan kung pinakita na pala ni Nicky ang picture nito nakaraan.
“Ang guwapo niya.. hindi bah..!!?” kinikilig nitong sabi.
“True… ang guwapo niya..!!” pag sang ayun naman ni Kiara na hindi inaalis ang tingin kay Dom.
While they were looking at Dom.. napunta naman ang tingin ko sa team namin. I saw Zacc.. mas lalong lumakas ang charisma nito dahil sa suot na Jersey. Napansin kung number 12 ang nakasulat sa jersey nito. Sa aming grupo ako lang naman ang may 12 sa birthday.Nangalumbaba ako habang nakatingin dito.. bigla na naman itong lumingon sa gawin namin. Kaya napaayus ako ng upo at Iniwas ko ang tingin dito.
Di nagtagal nagsimula nadin ang laro. Halos parehas magaling ang magkabilang team. Hindi din nagkakalayo ang score nila. Mas lalong lumalakas ang hiyawan pag nakakascore ang kanilang team. Si Dom ang nakabantay kay Zacc dahil parehas silang Team Captain.
Nagiging intense ang laro kapag lumalamang ang Jackson High at agad naman itong nababawi ng team ni Zacc. Hindi rin papatalo ang iba naming kaibigan dahil mga shooter din ang mga ito.
Kaya nahirapan din magbantay ang Jackson High sa kanila dahil halos mga Shooter din ang team nila Zacc.
Natapos ang first half na pantay lang ang score.
May 20 minutes na breaktime para makapag banyo ang mga players at makabawo ng lakas. Ang iba nag paiwan sa loob ng court at ang iba ay bumalik muna sa barracks nila.
Naguusap kaming tatlo ng marahan akong hinampas ni Kiara sa braso.
Malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa baba ng court. Mahigpit ding kumapit si Nicky sa kabilang Braso ko habang nakatingin sa tinitignan ni Kiara kaya napalingon nadin ako. There I saw Dom.. naglalakad sa gilid ng court at parang papunta sa direksyun namin. Umakayat na ito sa hagdan palapit sa amin kaya mas lalo kaming natulalang tatlo. Tumigil ito sa tabi ko mismo at nakangiti habang nakatingin sa akin. I can also hear whispers sa paligid namin.
“Maxie..do you have time after this game..? I forgot to ask you earlier.” Sabi nito.
Napatingin ako sa dalawang girls.. na tila nahipnotize padin sa lalaking nasa harapan namin.
“Ahm… I don’t have plans yet..but I need to stay here at school later dahil may mga activities pa kami.” I said to him.
“That’s fine atleast you can show me here around..our couch allowed us “tila masaya nitong sabi.
“Ah..sure” sabi ko. “By the way ,meet my friends Kiara and Nicole..” bahagya ko pang siniko ang dalawa para matauhan.
“Hi.. I’m Kiara” she extended her hand to Dom as she flips her hair.. habang nagpapacute.
"I'm Nicole.." sabi nito na nagpapacute din.
“Nice to meet you Kiara and.. Nicole I’m Dominick..” He said as he shake their hands.
“Well I need to go now.. See you later Maxie..” sabi nito at nag iwan pa ng matamis na ngiti bago naglakad pababa.
“Briee..! You didn’t mention that you two already know each other” sabi ni Kiara sabay ang mahinang hampas sa braso ko na parang batang nagtatampo.
“I just meet him ..He bought a flower from our Shop kaya ko siya nakilala.” Paliwanag ko sa mga ito. Kiara crossed her arms na parang ayaw manila sa sinasabi ko.
“I still can’t believe that we hold hands..” tila nangangarap pading sabi ni Nicky.
Bahagya naman itong binatukan ni Kiara para bumalik sa katinuan.
“Aray naman…minsan nga lang ako makahawak sa kamay ng crush ko,babatukan pa..” reklamo ni Nicky habang hawak ang ulo nito.
“Briee..look..!!” sabi ni Kiara sabay nguso sa tinitignan nito.
“Should we go ..and hide..?” mahinang sabi nito.
Napalingon ako si tinitignan nito. It was Zacc , madilim ang mukha nito habang nakatingin sa amin.. ganun din ang tatlong boys they all have the same aura.. parang nanayo lahat ang mga balahibo ko sa katawan.
Napahawak ako sa kamay ni Kiara.. nanlalamig din pala ang kamay nito.
“ Ngayon ko palang sila nakitang ganyan… What will happen to Dominick? Baka mabalian siya ng buto Briee..” Nag aalalang sabi ni Nicky.
“Let’s hope nothing bad will happen guys..” pagpapalakas ko ng loob sa kanila.
Nagsimula na ulit ang laro. It was Zacc and Dom ang nagharap sa gitna para sa pagsisimula ng laro.Kung mainit ang laro kanina mas lalong uminit ngayun.. Mas mabilis na ang kilos nila Zacc kaya naaagaw agad nila ang bola sa kalaban. Nakakalamang na din sila ng Anim na puntos. Halos lahat ng humaharang kay Zacc mabilis niyang nalulusutan. Mas lalo din itong agresibo sa paglalaro.
“A beast have woken up..” Kiara murmured.
Nakatingin din ako kay Zacc. Tila isa itong Leon na nag hihintay lamang ng pagkakataon para sunggapan ang prey nito.
“What have I done..?”