Chapter 9

1953 Words
Foundation Day na ng St. Therese ngayung araw at halos lahat ng mga estudyante ay abalang abala sa kanilang mga gawain. Nagkalat ang iba’t ibang booth sa quadrangle ng campus. At bilang miyembro ng kanilang Student Council abala din ang grupo nila Briee sa pag aasikaso ng event. BRIELLE POV Maaga akong nagising dahil ngayun na ang araw ng aming Foundation day. Ilang araw din kaming abala sa pag aasikaso ng mga activities na gagawin, bawat year level mayroong sariling booth at halos lahat ay pinaghandaan upang makaakit ng ibang mga estudyante. Halos hindi din kami nagkikita ng mga barkada naming lalaki dahil abala din ang mga ito sa pagpapractice ng laro. Kinabukasan pa ang basketball game gaganapin kaya malaya pa ang mga estudyante ngayun na mag ikot sa mga booth. Naglalakad kami malapit sa marriage booth ng mapansin ko ang designs nito..parang masyadong pinaghandaan nila ang booth ngayung taon. “Briee..!” nilingon ko si Kiara na nauna sa paglalakad. “Magsisimula na ang program, kailangan na nating pumunta ng Gym.” Sabi nito. Bago magsimula ang Foundation day nila mayroong program kung saan ipapakilala ang founders ng school at magbibigay din ng mensahe ang school prinsipal nila. Mabilis kaming nakarating ni Kiara sa Gym at pumunta sa bandang harapang upuan kung saan nag hihintay ang mga kaibigan namin. Umupo si Kiara sa tabi ni Nicky at ang naiwang space sa gitna ay katabi ni Zacc. Wala naman akong choice kungdi ang umupo sa tabi nito. Ang sitting arrangement namin ay si Vince, Nate,Kiara,Nicky,Ako,Zacc at si Rael sa dulo. “Where have you been ?” tanung ni Nicky. “Chineck lang namin yung mga booth, to make sure magiging maayos ang lahat mamya.” Sagot ko. “Wag ka… tong si Briee masama ang tingin sa marriage booth, may balak atang magpakasal” nang aasar na sabi ni Kiara. “Briee.. you better watch out, baka hilahin kita mamaya doon” sabi ni Rael na agad naman binatukan ni Nicky. Nakangiti lang ako sa pang aasar ng mga kaibigan ko ng di sinasadyang lumanding na naman ang paningin ko kay Zacc. As usual tahimik lang itong nakikinig sa biruan ng tropa, agad kung binawi ang paningin ko dito dahil bigla na naman itong tumingin sa akin. Maya maya pa nagsimula ng ang program. Unang ipinakilala ang anak ng founder ng school si Mr. Dela Vega at nagbigay ito ng speech. Ipinakilala din ang mga board of directors at ang panghuli nagbigay ng message ang aming school prinsipal at opisyal na binuksan niya ang pagsisimula ng Foundation Day ngayung araw. After ng program nakaupo kami sa booth para sa Student Council habang minomonitor ang sitwasyun ng mga activities. Wala si Zacc dahil umalis ito kanina after ng program ganun din ang mga boys. “Briee..tara ikutan natin ang booth..hindi naman pweding matatapos tong event na to na hindi man lang tayo nag eenjoy di bah..” sabi ni Nicky. Tinignan ko si Kiara para tanungin kung sasama ito. “Sige na mag ikot na kayo.. kami na munang bahala dito..” sabi ni Kiara, kasama nito ang ilang representative ng lower years at iba pang member ng student council. Una naming pinuntahan ang photo booth at nag papicture kami ni Nicky,sakto naman dumaan sila Nate,Rael at Vince kaya nahila namin sila magpapicture. Meron ding arcade kaming pinuntahan, naglalaro ang tatlong boys habang nag chicheer kami ni Nicky at tuwang tuwa kami ng makakuha sila ng stuff toys na binigay nila sa amin. KIARA POV Lunchtime at nasa cafeteria kaming magbabarkada sumabay nadin ng kain sa amin ang mga tropa naming lalaki. “Guys..maganda daw yung maze room,sabi ng ibang student.. pero bawal daw sabihin kung anung nasa loob.” Excited na sabi ko, dahil narinig kung nag uusap ang ilang representative ng lower years kanina. “Really..!Hindi pa namin yun napuntahan kanina” excited ding sabi ni Nicky. “Eto pa.. isang pinto daw doon deritso sa wedding booth kaya pag maswerte ka at makakasama mung lumabas ng maze room ang crush mo deritso kasalan na !!” parang kinikilig ako sa isipin na lalabas ako ng maze kasama ng crush ko…pero wala nga pala akong crush dito sa school.. hayss.. Napatingin ako sa gawi ni Briee na tahimik lang na kumakain at ng tignan ko si Zacc palihim itong sumusulyap sa gawi ni Briee. Isang ngiti ang kumawala sa aking mga labi. Kailangang maisakatuparan ko ang aking mga plano. “It’s only for the kids-“ sabi ni Rael ngunit agad ko itong siniko para tumigil ito. “Walang hindi sasama..!!” seryuso kong sabi sa mga kaibigan ko. “Mukhang kawawa ang pakakasalan mo ngayung araw..Kiara..!” natatawang sabi ni Nate. “Tse!!” iniripan ko si Nate dahil sa pang aasar nito. “Pag ako ikasal mamaya masuwerte siya dahil siya ang pipiliin kung maging kapartner sa grand ball" I gave them a playful smile. BRIELLE POV Pagkatapos namin ng lunch..walang nagawa ang tropa ng ayain kami ni Kiara sa Maze room. Ginawa ito sa gitna ng quadrangle kaya malawak ang space nito. Natatakpan ito ng malaking Tent sa taas kaya kahit nasa taas ka ng school building hindi mo padin makikita ang loob ng maze room. May mga nauna nang nakapila kaya nag hintay kami ng turn namin.. Hindi pa man nagtatagal kaming nakapila ng makita naming papalapit si Allie. “Zacc you’re here, I’ve been looking for you..” sabi nito at agad humawak sa braso ni Zacc. “I also have my ticket.. So can I join you guys..?” nakangiting sabi nito. Nagkatinginan kaming tatlong babae.. Halata ang disgusto sa mukha ni Kiara. Ngunit magmumukha namin kaming masama kung hindi namin siya isasali. “Sure you can join..” sabi ko dito. Mukhang masaya naman ito at nagfocus na kay Zacc. Pasimple akong siniko ni Kiara sa tagiliran. Pero sinenyasan ko ito na ok lang. Dumating nadin ang turn namin hinati kaminsa tatlong grupo Si Rael, Nate at Vince ang unang pumasok after three minutes sumunod kami nina Kiara at Nicky, nagpahuli na sina Zacc at Allie. Nilingon ko pa si Zacc bago tuluyang pumasok..tila nag eenjoy naman si Allie na makakasama nito si Zacc. Pagpasok namin sa loob may tatlong lagusan at may tatlong arrow na nakalagay sa entrance ng lagusan color red, yellow at Violet. Lumapit kami sa lamesa na may nakapatong na Box at may instruction sa labas nito. “Please select the color of your future from this Box” Naunang bumunot si Kiara kulay pula ang nabunot nito, kulay Blue naman kay Nicky at Violet sa akin. “So ..it means na magkakaiba tayo ng path na tatahakin. “malungkot na sabi ni Nicky. “It’s ok Niks, mas exciting to…see you outside girls..” sabi ko sa kanila at nauna ng naglakad sa color violet na lagusan. Isang pinto ang sumalubong sa akin pagliko ko sa isang pasilyo. Nang makapasok ako nakita kung may dalawang pinto ulit sa loob sa left at sa right side ko. Napaisip ako kung saang pinto ako papasok. Right handed ako so I choose the door at the right. Ngunit pagpasok ko ulit sa next room.. namatay ang ilaw at muntik na akong mapasigaw ng may lumabas na mukhang multo sa harap ko. Papalapit na sila sa akin natanaw ko ang pinto sa likuran ng mga ito kaya hindi ako nagpadala sa takot at agad tumakbo palapit sa pinto ngunit napansin ko may dalawang pinto ulit na magkakatabi. I decided again..to choose the right side, dahil hindi sound proof maririnig ang sigawan ng ibang mga estudyante sa kabilang side na nakakadagdag ng takot sa iba. Panglimang pinto ko na ito at sa bawat pintong napapasukan ko ibat ibang nakakatakot na custume ang makikita. Mabuti na lamang at hindi ako matatakutin. Paglabas ko sa pang limang room isang mahabang pasilyo ang nakita ko at sa dulo may isang pinto .When i entered the next room biglang bumukas din ang isang pinto sa kabilang side nito at nagulat ako kung sino ang kasabay kung pumasok sa room. “Zacc?” nagulat kung sabi. Ngunit bigla na naman namatay ang ilaw at may naramdaman akong humawak sa paa ko. Napatakbo ako sa sa kabilang side ng room ng biglng may humatak sa akin at hinila palapit dibdib nito. “Stay Still and don’t make any noise” it was Zacc I can feel hes body behind me. Napatakip ako sa bibig ko para maiwasang mapasigaw .. we stayed there for a while hanggang mawala ang ingay sa paligid namin. “Briee.. there is something I want to tell you..” pabulong nitong sabi sa akin. Iikot sana ako paharap dito pero pinigilan ako ni Zacc.. “..let’s just stay like this for a while..” sabi nito. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil aubrang lapit nito sa akin. Halos magkadidkit na ang likod ko sa dibdib nito. Maya maya ito na mismo ang pumihit sa akin paharap dito. Kinuha nito ang kamay ko at itinapat sa dibdib nito. I can feel hes heart beat faster like mine. Napatingin ako sa mga mata ni Zacc. “Can you feel it ..? it was like this everytime you are near me” he whispered. I don’t know what to say…para bang pakiramdam ko lumulutang sa hangin ang katawan ko. Habang nagkakarera naman sa bilis ang heart beat ko. “I like you Briee… ever since I meet you.. my eyes.. is always on you..and I can’t keep it anymore” pagtatapat nito at halatang nanahihirapan itong magsabinl ng nararamdaman nito. "You don't need to say what you feel right now ...I can wait.." sabi nito. “Zacc…” yun lang ang tangi kong nasabi. Tila naubusan ako ng sasabihin. I wanted to tell him that I like him too..pero nag aalinlangan padin ako. Maya maya pa lumuwang na ang hawak ni Zacc sa akin ngunit madilim padin ang buong paligid. “We need to find the door” sabi nito. Tumango lang din ako. Kinuha nito ang cellphone nito at inilawan ang paligid. Apat ang pinto ng room na iyon..dalawa sa pinanggalingan namon ni Zacc kanina at may dalawang magkadikit ulit na pinto sa harap. “Right or left?” tanung nito. “I always choose the right door” sabi ko dito. Hindi naman ito nag tanung pa at binuksan nito ang nasa right side pinto. Ngunit ang sumunod na room ay may apat na pinto sa four sides ng room may apat din na pinto. This time may mga nakadikit na papel sa bawat pinto. In Love, Friend Zone ,Broken Hearted at Complicated ..eto ang choices na nakalagay sa pinto. Nagsalubong ang aking mga kilay sa nabasa ko. Bakit may mga ganito pang pakulo. Kung ako lang siguro mabilis akong makakapag decide pero ang awkward ng sitwasyun ngayun lalo na dahil sa ipinagtapat ni Zacc kanina. Naramdaman kung natigilan din si Zacc at hindi din makapag decide. Lumingon ito sa akin kaya napatingin din ako dito. “What will we choose..?” tanung nito. “ Its… up too you..ahm..you decide” sabi ko dito. “ You sure..??” a silly smile curve on his lips. “Let’s go” sabi nito at hinawakan ang aking kamay. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa aking kamay at bigla niya akong hinatak sa unang pinto. IN LOVE ang nakapaskil sa harap nito. We both smiled as we held hands palabas ng kuwartong iyon at isang pasilyo na naman ang nakita namin sa dulo may nakalagay na EXIT. Nagkatinginan kami ni Zacc. “ We’ve made it..” sabi nito. Tumango ako dito at ngumiti.. He still didn’t let go of my hand habang naglalakad kami papuntang EXIT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD