“Huwag mo ‘kong takutin, Favien! At huwag mong isama si Sir Orzon sa katarantaduhan mo dahil wala siyang ginagawang masama! He’s just a professor na nagtuturo sa atin at dahil lang sa pagtititigan namin ay iba na sinasabi mo! Natural lang na magkatitigan kami dahil nasa harapan ko siya at nagdi–discuss siya sa atin,” gagad ko. “Tsk! Ba’t parang takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa, pero kung makapagreak ka, akala mo kung papatayīn ko na talaga si Prof. Orzon,” ngisi nito. “Hindi nakatatawa ‘yang sinasabi mo, Favien dahil pagbabanta na ‘yan. At kung may mangyari man kay Sir Orzon, isusumbong kita sa pulis!” maawtoridad na sambit ko. “Talaga? Kakampi ng magulang ko ang mga pulis, Vivoree,” matigas nitong saad sa akin. “At hindi ako nagbibiro sa gusto kong gawin dahil alam mo

