“Ano? Kausapin n’yo muna ‘yang kasama mo Kuya John, bago siya gumawa ng hakbang. Walang karapatan ang Favien na ‘yan na tingnan ang cctv camera. At huwag n’yo na sanang ipakita sa kanya ang kuha naming video kanina,” maawtoridad na sambit ko. “Sige ho, Ma’am Vivoree,” tugon nito. “Tawagan n’yo ho agad ako kung okay na. At kayo na ho ang bahalang gumawa ng paraan,” saad ko. “Masusunod ho, Ma’am Vivoree,” sagot nito at pinatayan ko na ito ng tawag. Huminga ako nang malalim dahil talagang hindi nagbibiro ang Favien na ‘yon at gaano ba kahalaga para sa kanya na malaman niya ang totoo samantalang siya itong nanloko sa akin noon. Gusto ba talaga niyang magpakasal kami kahit alam niyang wala na akong pagmamahal sa kanya? Nagbihis lang ako at humiga na nang muling magring ang phone ko.

