VIVOREE'S POV “O, Guys, suka nang suka si Vivoree. Baka, buntis na ‘yan dahil kumakalat na may karelasyong professor ‘yan,” narinig kong sambit ng ibang department at hindi ko naman kilala ang mga ito. “Kaya nga, baka nga nagpagagamit para mataas ang grado niya sa major niyang iyon. Kaya, pala totoo ‘yong mga kumakalat na balita at hindi talaga sesmes ‘yon, Girl,” saad pa ng isang estudyante. Pinunasan ko ang nguso ko at tumingin ako sa mga ito. “Ano bang problema ninyo sa akin? Pinakikialaman ko ba kayo?” “Ang tapang, O! Akala mo naman kung sino! Hoy, porke anak ka ng negosyante ay hindi ka na puwedeng pag–usapan. Ano ka, perpektong tao, ha? Professor mo nga, kinakalantari mo at talagang hindi ka na nakapagpili sa rami ng daming lalaki,” ngisi nito. “And take note, ha. Jowa ‘yan

