“What are you doing here, Vivoree At ano ‘yong narinig naming may relasyon? Saka, ba’t nasa pinto si Rain, samantalang katabi mo si Prof. Orzon?” sunod–sunod na tanong ni Favien sa akin. Matalim ang iginawad niyang tingin sa akin, pero kailangan kong umakto. Kaya, ngintihan ko ito. “Do you need something, Mr. Zorola and why are you back here?” tanong naman ni Orzon sa mga ito at kinuha na niya ang backpack niya. “Hindi ikaw ang kinakausap ko, Prof. Orzon, kaya huwag kang sumabat,” gagad ni Favien. “I’m just asking dahil nandito kayo ni Mr. Zoren. Akala ko, makikiusap kayo na magbabago na kayong dalawa,” sarkastiko na sambit ni Orzon. “Tsk! Ba’t namin babaguhin ugali namin? Wala dapat akong baguhin, Prof. Orzon, lalo na at isa ako sa heartthrob sa campus na ito,” ngisi ni Favien.

