“Damn you! Ba’t kayo magkasamang dalawa, ha!” sigaw ni Favien na sinuntok si Orzon na ikinabagsak niya sa semento. “Shít!” mahinang sambit ni Orzon. “Ano ba, Favien!” sigaw ko at itinulak ko ito. “Okay lang kayo, Sir Orzon?” tanong ko at agad kong pinunasan ang dumurugong labi niya. Tumayo kami at hindi ko alintana ang mga nakatingin na estudyante sa amin. “Wala ka talagang respeto, Favien. Pulos ka na lang maling akusasyon!” gagad ko. “At sinong pvtang ínang hindi mag–iisip ng mali sa inyo, ha! He’s with you at estudyante ka pa niya at professor mo siya, kaya talagang mag–iisip ako ng masama against you!” asik ni Favien. “Ikaw lang naman ang nag–iisip ng gan’yan, Mr. Zorola,” malumanay na wika naman ni Orzon. “May relasyon ba kayong dalawa ni Mr. Galvez, Ms. Meneses?” matigas na

