“Ba’t ‘di ka makasagot, Vivoree? Totoo ba mga nababalitahan ko na may karelasyon kang professor sa Manila University, ha?” gagad ni Lolo Godric. Napalunok ako dahil pinanliitan nila ako ng tingin. “Tinatanong kita, Vivoree. Totoo ba ang mga espekulasyon na ‘yon? At sino ang professor na ‘yon para malaman ko,” matigas pa na sambit nila saakin. Huminga ako nang malalim. “Hindi ko ho alam kung ano ‘yang sinasabi ninyo, ‘Lo. At kanino n’yo ho ba nalaman ang mga ‘yan?” “Hindi mo na kailangang malaman kung kanino. At alam kong hindi pa nakarating ang bagay na ‘yon sa magulang ni Favien. Dahil pa’no na lang kung malaman nila ang kumakalat na ‘yon? Anong sasabihin mo sa kanila? Kaya, kung ako, sa ‘yo, iyang mga bagay na gan’yan ay iwasan mo dahil makasisira lang sa ‘yo at at sa pamilya mo, lal

