VIVOREE’S POV “So, professor mo pala ang Ninong Orzon mo, Vivoree?” matigas na sambit ni daddy mula sa aking likuran. “Narinig n’yo naman sinabi ni Favien, Dad, kaya oho, professor ko nga po si Sir Orzon,” saad ko. “Kung gano’n, huwag na huwag mong lalapitan ang ninong mong ‘yon dahil ayon kay Favien ay close na close mo siya at kakaiba ang pagiging closeness ninyong dalawa,” maawtoridad na sambit ni daddy sa akin. “Naniniwala naman kayo kay Favien, Dad? Hindi n’yo nakikita kung anong ginagawa namin ni Ninong o Sir Orzon sa campus. Natural naman siguro na close kami dahil estudyante na ako. At isa pa, kaya ganoon magsalita si Favien ay dahil tres ang ibinigay ni Sir Orzon sa kanya, kaya naiinis siya sa professor namin,” mariin na saad ko. “Wala akong pakialam sa grado kung ano

