"Bakit naman si Jannaya pa ang pinagawa mo ng pagkain mo? Narito na ako Rayden." "So? Huwag mo ng palakihin ang mga simpleng bagay." Hinubad ni Rayden ang pangitaas na damit na basa narin ng pawis. "Maliit na bagay? Hon naman! Ano ba ako rito? Ano paba ako sa buhay mo?" "Maraming akong iniisip ngayon, okay? Hanggang ngayon ay inaalam ko parin kung sino ang kumuha sa'yo." Binuksan niya ang mini fridge na naroon sa kanyang silid at kumuha ng bottled water. Binuksan niya ito at mabilis tinungga. "Yeah. Right! Dahil marami kang iniisip kaya nakalimutan mo na kung sino ako sa buhay mo at kung ano lang si jannaya sayo!" sigaw ni Eunice. Halos pahagis na tinapon ni Rayden ang bottled water sa kanyang maliit na basurahan. "God damn it Eunice! Jannaya is my wife! Ngumiti ng mapait si Eunic

