"Good morning everyone, welcome aboard. This is your flight 5J163 and we are all bound to Manila." Mariing naipikit ni Jannaya ang mata ng marinig ang 'Manila'. Muli siyang babalik sa lugar kung saan nagmula ang kanyang mga bangungot. She opened her eyes when she felt Nate's hand. "Are you alright?" Sasagot pa sana siya ng magsalita naman si Julia na nasa tabihan ng bintana ng eroplano at siya'y napapagitnaan. "Matagal ba tayo roon?" Regular seats lamang ang napagdesisyunan nilang ibook. Idea rin ito ni Nate dahil masyado pang matunog ang kanyang pangalan at mas mabuti na makita ng mga tao ang kanilang pagkukumbaba kahit pa nga wala naman talaga silang kasalanan. Sa airport ay dinumog sila ng mga journalist kahit panga wala silang napagsabihan na sila'y aalis. "Sandali lang tayo roon

